*******************************************
DisclaimerI do not own any of the photos. All credit belongs to the owners.
*******************************************
Ilang buwan ang nakalipas simula nang masagip ni Marco si Lane mula sa kamay ng mpang-api nyang tiyuhin na si Barry.
Hindi na nga pinakawalan ni Marco si Lane sa kanyang pagmamahal at masayang naninirahan sa FG Towers kasama ng iba pang mga Sandovals.
"Good morning mahal..." ngiting bati nang bumukas na ang mga mata ng nobyo nyang si Marco.
"Ganda naman talaga ng umpisa ng mornings ko....." tipid na ngiti ni Marco na kinusot-kusot pa ang mga mata.
"Lika nga dito...." makulit na hinila ni Marco ang si Lane para makipagcuddle. Bagay na gustong gustong gawin ni Marco pagkagising sa umaga. Halos mawala na ang mga mata ni Lane sa init ng kanyang mga ngiti nang mapaglarong kinagat-kagat ni Marco ang kanyang makinis na balikat.
"Kain na po tayo...." napakalambing na hawak ni Lane sa maskuladong mga panga ng kanyang boyfriend.
"Ito nalang breakfast ko...." makulit na pinapakpapak ni Marco ang maliit na kamay ni Lane na nakahawak pa rin sa kanya.
"Hahaha! Mahal naman eh! Dali na! Lalamig yun sige ka. Nagpaturo ako kay Chef Bill ng favorite breakfast dishes mo.Kaya for sure magugustuhan mo yan..." simpleng ngiti ni Lane.
"Swerte ko talaga sa baby ko!" Hmmmmm!!!!" gigil na yakap ni Marco habang nakasandal sa kanya si Lane.
Nagtungo na nga ang dalawa sa dining area kung saan naroon din ang iba pang mga Sandoval brothers pati na rin ang kakauwi lang na sila Lola Leny at Lolo Ferds.
"Yun oh! Good morning lovebirds!" biro ni Tony nang akbay-akbay ni Marco si Lane habang naglakad sila papunta sa table.
"Kinuha ko pa po tong kapatid nyo. Ang sarap laging matulog eh.... Hahaha!" mahinhin na tawa ni Lane na nagtungo sa dalawang matanda.
"Good morning po Lolo Ferds... Lola Leny mano po..." magalang na pagmamano ni Lane sa dalawa.
Sumunod naman kaagad si Marco sa pagmamano.
"Good morning mga apo..." masayang bati ni Lola Leny sa kanila.
"Good morning po Nanay Nita...." pagmamano rin ni Lane sa pinakamatandang kasambahay ng mga Sandovals na handa nang i-serve sa kanila ang masarap nilang agahan.
"Ay Nay Nita, nahanap ko na po pala yung gamot para dun sa paso nyo. Mamaya po lagyan po natin ha...." ngiting pahayag ni Lane.
"Nako anak salamat ha...." pagpapasalamat ni Manang Nita na hinalikan pa sa noo si Lane.
Laking galak ni Lola Leny na may isang tulad ni Lane na hindi nakakalimot na magbigay galang sa mga matatanda. Tutok rin si Lane sa kalusugan nilang mag-asawa.
BINABASA MO ANG
The Museum (COMPLETED)
FanfictionThe story of how the devil falls in love with an angel