*******************************************
DisclaimerI don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.
*******************************************
Lane's POVIt's been a long day in the hospital. Kahit hindi ako naka-assign sa ER today, feeling ko tuloy tuloy yung work ko. Mas mahirap pa lalo na't....
Itinaas ko ng konti ang sleeves ko para macheck yung...
"Uy Lane, pinapatawag ka ni Doc Zaldy." biglang sumulpot ang kapwa kong nurse na si Pipa.
Mabilis kong binaba ang sleeves ko at naglakad na papaalis.
"Lane? Okay ka lang?" pag-aalala ni Pipa.
"Hmmm? Oo. Sige sige. Ahm Pipa, punta muna ako kay doc ah..." pagtakas ko.
Buong araw kong sinusubukang umiwas sa mga workmates ko. Baka kasi mapansin nila...
Finally at natapos na ang shift ko. Habang naglalakad ako sa hallway, nakita ko na nagkukumpulan yung mga workmates.
Hala.
Pinag-uusapan ba nila ako?
Napansin ba nila?
Pero sure ako...
Natatakpan sya ng scrubs ko...
Sinubukan kong magiba ng way pero too late...
"Lane! Bat ngayon ka lang?" paghabol na tawag sakin ni Ella na kapwa ko nurse.
Alangan akong lumingon pabalik sa kanila nang napansin kong biglang sumulpot kasama nila si Sir Marco. Ang laki ng ngiti sa mga labi ni Sir Marco kaya wala na rin akong choice kundi mapangiti na rin.
Napatingin ako sa mga workmates ko na todo ngiti.
Kanina pa ba sila nag-uusap usap?
Ang daming tumatakbo sa isip ko.
Actually hindi rin ako makagalaw lalo na nung nagumpisang maglakad papalapit dito si Sir Marco.
"Hi..." simpleng bati nya.
"Hi din po... Uhm sir. Saglit lang po ah. May i-fifile lang po ako."sabi ko habang mahigpit kong hawak sa clipboard na hawak ko.
"Sure. Take your time. Maghihintay ako Nurse Lane. Maghihintay ako...." napakaseryosong sabi nya.
Bakit parang may something? Ganito rin sya last night nung kausap ko sya with his brothers.
Ang awkward kong umalis at dumerecho sa nurse's station.
Bakit ako natutulala?!
Lord. Help me clear my mind. Please po.
I just shook my head at bumalik sa kailangan kong gawin.
BINABASA MO ANG
The Museum (COMPLETED)
FanficThe story of how the devil falls in love with an angel