*******************************************
DisclaimerI don't own any of the photos. All credit belongs to the owners.
*******************************************
Lane's POVDinilat ko ang mga mata ko. Buong lakas kong inabot ang phone ko na nakapatong lang sa counter.
Sinikap ko pa ring mag-ayos para sa trabaho. Kahit half day lang.
Humarap muna ako sa basag na salamin at tiningnan kung halata ba yung....
Yung....
"LANE ANO BA ASAN NA YUNG PERA? TANGINANG BUHAY TO OH."sigaw ni Tito Barry.
Mabilis kong kinuha yung wallet ko at kumuha ng cash at iniabot kay Tito.
"Tito, m-m-mauna na po ako..." nakayuko kong sabi.
"Dapat lang! Anong oras na! Napakabagal mong bakla ka!"bulyaw sakin ni Tito.
Naglakad na ako sa eskinita namin nang bigla nya ulit akong tinawag.
"Baka dumating mamaya si Denver ah. Umuwi ka dito kaagad!" sigaw nya sakin.
Halos manginig naman ang kalamnan ko sa kaba sa sinabi ni tito.
Pero wala akong magagawa.
Magdadasal nalang ako...
Katulad ng ginagawa ko na ng ilang taon.
Dumeretso na ako sa work.
Sobrang struggle na naman to kung paano ko maitatago to..
Pagdating ko sa work, sumalubong sakin si Gale na isa sa mga kasamahan ko.
"Lane! Good thing you're here!" bungad nya sakin.
"Bakit? Anong nangyari?" tanong ko.
"Kanina pa sya nandito!" pagdidiin nya.
"Sino?" tanong ko ulit.
"Nurse Lane...." biglang may pamilyar na boses na tumawag mula sa likod ko.
Lumingon ako at nakita si Sir Marco na may bitbit na higanteng teddy bear at bouquet ng roses.
"S-S-Sir..." mautal-utal kong sabi.
Ano to?!
"For you nga pala..." pag-abot nya sakin ng mga hawak nya.
"P-P-Para sakin po?" tanong ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala.
Bakit?!
Para san to?!
Narinig ko na rin ang panunukso ng mga workmates ko na nakakumpol na pala at tinatanaw kami mula sa nurse's station.
BINABASA MO ANG
The Museum (COMPLETED)
FanfictieThe story of how the devil falls in love with an angel