Chapter 6-- Friendship
Miley's POV
*Emote*
Akala ko nakalimutan mo na ako Mr. Author. hmp.!
Author: Ahaha! Nagdrama ang lola. xD
Cheh!! Alis na ! Shoo! Shoo!
Vacant time namin sa MAPEH ng naisipan ko nang lapitan si Red. Absent kasi sya ng umaga kaya gusto kong kausapin. Napansin ko lang na parang mas palangiti na sya ngayon. Lalo tuloy akong naiinlove, hehe..
"Uy, pwede bang makisali sa usapan nyo?" Kakwentuhan niya kasi ang bestfriend nyang si Kier.
"Sure, why not. By the way, thanks pala ulit sa pagtawag at pag-alala mo sa akin :)" Cute ng ngiti nya. hihi
"Wala yun. Hehe.. So kumusta ka na pala? Mukhang ang saya-saya mo?"
Nakamove-on na kaya sya? Ang bilis naman yata?
"Ahh oo eh. Mahabang kwento eh, di ba loves?
"Loves ka dyan.. Oo Miley, baka abutin tayo ng one year sa kwento ni lola." Sagot ni Kier. Hehe. Nakakatuwa ang magbestfriend na 'to. Sad to say wala akong bestfriend :((
"Naku, ganun ba? Hehe, wala bang summary?" Hirit ko.. Gustong-gusto ko kasi malaman. hehe. Malay nyo moved on na sya. Edi pwede na kami di ba?
"Hmm.. Ang masasabi ko lang, masayang-masaya ako ngayon dahil alam kong mahal na mahal ako ni Lilac at hindi nya na ako ipagpapalit kay Yves."
OUCH! Sakit ng narinig ko. Mali pala hula ko.
</3
Sana hindi ko na lang sya tinanong :(
Pero bakit? Akala ko di na sila?
"Uy? Natahimik ka dyan? Excuse me pala, labas lang ako."
"Ah eh. Oh sige. Kami na lang muna ni Kier magkukwentuhan hehe."
"Sige, uy ingat ka dyan kay Kier haha." Red
"Ulol!" Kier.
Tulala pa rin ako. *sigh*
*Kublit, Kublit*
"Uy, buhay ka pa?"
"Hehe, sorry. May iniisip lang ako." Nakakahiya. Kinakalabit na pala ako ni Kier dahil sa pagkakatulala ko..
"Sows, eh ano naman iniisip mo? Any problems?"
"Ahmm.. ano kasi.. ahm.. pwede wag mo 'tong sasabihin kay Red?"
"Ok, ano naman yun?"
"Nakita ko kasi sila ni Lilac na nag-break nung sabado. Tapos kanina, parang sinabi nyang sila pa rin? Is that true?"
"Oo sila pa rin." Hayyyy. Nakakalungkot. Akala ko may pag-asa na ako sa kanya. :(
"Ganun ba?"
"Yeah,, wait, wait, wait. Bakit pala parang masyado kang interesado? Hmmm. selos ka noh? Aminin.. uyyy."
"Hah?? Hindi noh!" Syete, parang mahahalata ni Kier na gusto ko si Red. :O
"Hindi raw. Eh bakit ang lungkot mo nung narinig mong sila pa rin ni Lilac? And, look, you're blushing.. ayeee.. aminin..!"
OH NO! hayy. ano kaya kung sabihin ko kay Kier? Tsk. namula pa kasi ako. huhuhu.
"Ahmm. Pwede quiet ka lang? Please wag mo 'tong sasabihin kahit kanino hah? Lalo na sa bestfriend mo. Oo, selos ako.. Kasi gusto ko sya, simula pa nung second year." :( Hayst. nasabi ko na.
"Ayeee.. oh sige sige. Hindi ko sasabihin kahit kanino lalong-lalo na sa kanya. Kaya pala may patawag-tawag ka pa sa kanya."
"Naku, salamat Kier hah? Salamat talaga. Hehe, nag-alala lang talaga ako kaya ko sya tinawagan"
Hmm. medyo nawala ang kaba ko. Hayy. thanks Kier.
"Sows, wala yun. Haha, ako nga di nag-alala dun."
"Haha, bakit naman?"
"Wala lang, haha. Hmm, actually, mas gusto ko pa nga ata ikaw kaysa kay Lilac."
"Hah? Talaga? Bakit naman?"
"Saksakan kasi ng arte ang babaeng yun. Tss. Ewan ko nga kay Red kung ano nagustuhan dun."
"Hmm. sabagay... tama ka . Pero maganda naman kasi si Lilac eh. Tsaka ang yaman nun. Hindi ko nga alam kong bakit nandito sya sa isang public school nag-aaral."
"Hindi ko nga rin alam eh."
"Uy.. Sorry, natagalan ako.." Si Red pala.
"Naku, ok lang..hehe.. Nakakatuwa pala 'tong si Kier. Masyadong palabiro." Haha. binigyan ko si Kier ng Sumakay-ka-na-lang look. Halata kasing gulat sya sa sinabi ko.
"Ah.Hehe. Di naman masyado." Kier.
"AHAHA! Oo, pwede na nga yang kapalit ni Jose at Wally." Red.
"Baliw ka talaga." Kier.
"Hmm. nakakatuwa talaga kayo. Uy Red congrats pala sainyo ni Lilac, hehe. "
"Hehe, salamat. Halata naman kasing mas lamang ang beauty ko sa Yves na yun. Haha!"
"Ay, oo nga pala. Hindi pala umuwi si Kuya Yves kagabi. Absent rin sya ngayon. Hindi ko nga makontak eh."
"KUYA??" Chorus pa yung dalawa.
Hindi pa pala nila alam na pinsan ko si Kuya Yves. Ngayon lang kasi ako naging close sa kanila, mas close pa kami ni Ram kasi lagi ko namang nakakasama sa mga seminar ng mga clubs at officers.
"Ahm, hehe. Pinsan ko kasi si Kuya Yves. Sa amin sya nakatira kasi ulila na sya sa magulang. Tapos umalis pa naman sila Mama kahapon. Mag-isa tuloy ako kagabi." :(
"Ahh. ganun ba?" Red
Nahalata kong medyo dumilim ang aura ni Red.
"Hmm.. Kier. Di ba alam mo kung nasaan? Pwede, samahan mo si Miley mamayang uwian sa kinaroroonan ni Yves?"
"Hah? Alam mo Kier?"
"Ahh, oo eh. Samahan na lang kita mamaya."
"Naku salamat hah? Red, di ka ba sasama?"
"Ah eh, hindi na, kasi may gagawin ako mamaya sa bahay."
"Ganun ba? Sayang naman, hehe. Oh sige." Ano kaya nangyari kay Kuya. Tsaka, panu naman nila nalaman? Mamaya ko na lang sila tatanungin kasi parang badtrip si Red. :( Hayy. bakit kaya?