Chapter Three: Her family
ILANG ARAW ang lumipas at natapos ang weekdays na hindi ko nakikita si Six kaya parang tamad na tamad ako. Mas madalas ko pang nakikita si Andrew kahit hindi namin siya ka building dahil sa kabilang building ang 4-B at 4-C.
"Pa Batangas aalis na!" sigaw ng konduktor ng bus na sinakyan ko. Sa Batanga ang destino ko ngayon dahil nangako ako kay Papa na pupuntahan ko siya ngayong weekends buong bakasyon kasi ay di ako nakabisita dahil lagi akong nasa store at nag cacashier. Naramdaman ko na din umandar ang bus kaya naman pumikit na ako para di mabagot sa byahe.
"Meron pa?" rinig kong boses ng isang lalaki. "Meron pa sir doon po sa dulo sa tabi po nung babaeng mataba na nakapikit" sabi ng konduktor. Alam kong ako ang tinutukoy niya kaya naman inusod ko ang katawa ko lalo sa bintana nang maramdaman kong umupo yung lalaki.
**
Isang oras din ang lumipas at kailangan namin mag stop over kaya naman inalis ko ang panyo sa mukha ko at binulat ko ang mga mata ko. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko, halos naalog ang mga taba at lamang loob ko. "S-Si-Six?" at tumingin siya ng bored sa akin. Walang kaemosyong emosyon na mukha niya. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya. Pero bumalik siya sa pag sasandal ng ulo niya at pinikit ang mata niya. Hanggang dito deadma pa din. Napanguso na lang ako. Umurong ihi ko kaya di na ko bababa. Pinilipit ko na lang din ipikit ang mata ko at makatulog dahil alam kong wala akong makukuhang sagot mula kay Six.
***
Six Dein Vargas Point of View
AGAD akong naglagay ng pares bg damit sa bag ko. Naisipan ko kasing pumunta sa Batangas para maligo ng mag isa and its my first time. Gusto ko ng bago at gusto ko mapag isa. Pero sa kamalas malasan ay coding ang car ko at hindi ko ugaling umurong sa plano ko so I push.
This is the first time din na sasakay ako ng bus so why not diba? Nang makarating na ako sa terminal ay nakita kong papaalis na ang bus kaya naman hinabol ko ito. "Meron pa?" tanong ko. "Meron pa sir doon po sa dulo sa tabi po nung babaeng mataba na nakapikit" sagot naman sa akin ng konduktor pero parang gusto kong bumaba sa nakita ko, Yung babaeng saksakan ng kulit. Yung mataba na laging nag bibigay sakin ng baon niya. Napabuntong hininga na lang ako.
Hindi na ako makakababa dahil nag simula nang umandar ang bus kaya naman tumabi na din ako sa kaniya. Ganto pala ang feeling sa pagsakay ng bus magkakadikit ang mga balat nyo. Isang oras ang lumipas at nag stop over ang bus para sa mga mag CR nang maramdaman kong gumalaw yung babaeng katabi ko. "S-Si-Six" uutal utal niyang sabi kaya naman tiningnan ko siya. Napakakulit talaga ng itsura niya. "Anong ginagawa mo dito?" pagtatanong niya ulit pero di ko na siya pinansin at ipinikit ulit ang mga ko. Hindi ko na din ulit narinig ang boses niya at parang di na siya nangungulit kaya naman sinilip ko siya ng bahagya at nakita kong tulog na ulit siya. Nakabuka pa ang bibig! Hays nakakahiya talaga kaya naman pasimple kong kinuha ang panyo niya at tinaklob ito sa mukha niya.
***
Ilang oras pa ang nakalipas at naramdaman kong naka patong na ang ulo niya sa balikat ko. Nakakainis na talaga ang babaeng to. Dapat pala sinunod ko ang instinct ko na di na tumuloy sa plano ko at nag basa na lang ng libro sa bahay. "ANDITO NA TAYO MGA MA'AM SIR. PALABAS NA LANG PO NG BAYAD PARA SA PAMASAHE NANG MAKABABA NA KAYO!" Sigaw ng konduktor kaya naman tinulak ko ng mahina ang ulo niya buti naman at nagising siya. "Sorry Six nakatulog pa ko sayo" paumanhin niya at nilabas niya na ang wallet niya. Napailing na lang ako sa kalokohan niya.
"Ma'am eto po ang ticket nyo" bigay ng konduktor dito sa babaeng to. Agad kong kinapa ang wallet ko sa bulsa ko pero wala. Hinanap ko sa bag ko pero wala pa din talaga. "Sir Asan po bayad nyo po?" parang nag hihinala na sabi ng konduktor sa akin. "Wait, I can't find my wallet" sagot ko habang kinakapa ang bawat pocket ng bag ko. "Sir lumang teknik na po yan, Sama na lang kayo sakin" sabi ng konduktor at hinawakan niya na ang braso ko. "Wait lang kuya ako na lang po mag babayad" at inibot ng babaeng to ang bayad kay Kuya. "Swerte mo Sir at nakatabi mo siya kung hinde sa kulungan ka" sinabi ng konduktor sa akin at inabot ang ticket bumaba na yung babae kaya sumunod ako.
"Babayaran na lang kita, Wait tatawagan ko yung driver namin na sunduin ako dito" at kinapa kapa ko ang cellphone ko wala din. I remember mag kasama pala ang phone at wallet ko sa bed ko. "Pwede pahiram ng phone mo?" tanong ko sa kaniya. "Sorry Six, pero wala akong cellphone" sagot niya. I didnt know na there are people na wala palang phone. "Wag mo na intindihin yun. Isasama na lang kita sa bahay namin. Kulang na din kasi tong pera ko pambigay ng pamasahe mo pauwi eh. Raraket muna ko don" prisinta niya sa akin. Kaya naman wala akong choice kundi sumama sa kaniya.
Pagtapos namin sumakay ng tricycle ay nag lakad kami papasok sa mapuno na lugar. "ATEEEE SIAAAA!!" "ATEEEE!!" rinig kong sigaw ng mga bata at tumatakbo sila papalapit sa kaniya Sia pala ang pangalan niya, "Anak" rinig ko naman na boses na isang matandang lalaki nang tingnan ko ito ay sobrang payat at mukhang may sakit, hirap itong mag lakad at tanging kahoy na pamatpat lamang ang kaniyang katulong.
"Hello Papa, Kamusta po kayo? Mabait ba kayo kay Papa. Christian at Christian?" nakangiting tanong ni Sia sa kanila. "Opo mabait po kami dito kay Papa, Ate" sagot ng batang lalaki si Christian. "Ayos lang kami dito Anak " sagot ng Papa nila at tumingon sa akin, kaya naman tumingin din si Sia sa likuran niya. "Si Six po, classmate ko po may survey po kaming gagawin para po sa school kaya po sinama ko siya" paliwanag naman ni Sia. "Ganun ba? Pumasok na kayo at mag tatanghalian na tayo" sinundan namin ang Papa ni Sia at huminto kami sa isang kubo. As in kubong bahay.
Pagpasok namin ay maliit lamang ito at may isang kwarto. "Ate, nabili mo ba ako ng bagong shoes?" tanong ni Christina. "Ate nabili mo po ba ako ng bagong tshirt?" tanong naman ni Christian. "Tine at Tian wag muna kayo mag tanong ng ganyan sa ate nyo" saway ng Papa nila. "Ayos lang po Papa, syempre naman di ko kakalimutan ang mababait kong mga kapatid" at nilabas niya sa bag niya ang isang box ng sapatos na kulay pink at mga paperbag. Inabot niya ito sa dalawang bata. "SALAMAT ATE!" "THE BEST KA TALAGA ATE" papuri nila kay Sia.
"Papa oh eto naman para sa inyo damit at vitamins nyo yan ha?" nakangiting sabi ni Sia sa kaniya at inabot ito ng Papa niya. "Anak naman, kaya siguro hindi ka nakauwi ng bakasyon dito dahil nag ipon ka pambili ng ganyan!" sermon ng Papa niya sa kaniya.
Tanging ngiti lang ang ibinigay ni Sia sa Papa niya at tumayo ito. Pumunta sa helera ng mga gamot pinag aalog niya ito isa isa. "Pag uwi kong Manila Papa mag aadvance ako ng sahod kay Auntie tapos padadalhan kita pambili gamot, okey?" nakangiti niya pa ding sabi.
Hindi ko siya maintindihan. Alam naman ng lahat na problema ang kinakaharap niya pero pinapanatili niya ang ngiti sa mukha niya. Masyado siyang matapang, pero kitang kita sa mga mata niya na malungkot siya. Kahit gaano kalaki ang ngiti na pinakita ng mga labi niya ganon din kung paano sabihin ng mga mata niya ang totoo niyang nararamdaman. Bumalik lang ako sa wisyo ng tumingin siya sa akin at ngumiti kaya naman iniwas ko ang paningin ko sa kaniya.
"Sige anak dalhin mo muna ang kasama mo sa dagat at magluluto lang ako ng tanghalian" utos ng Papa niya. "Hindi na po Papa tutulungan ko na po kayo" prisinta naman ni Sia. "Sige na anak. Gusto ko din talaga mag luto eh" sabi ng Papa niya, kaya naman tumango si Sia at lumabas ng bahay nila. Kaya naman sumunod ako. Nag simula na kaming mag lakad ilang minuto po ay naririnig ko na ang alon ng dagat. Namangha ako sa ganda at payapa nito. "Sige na maligo kana. Malinis ang tubig dito" sabi niya kaya naman ay mabilis akong tumalon sa tubig. Tamang tama ang lamig ng tubig sa init ng panahon.
Tiningnan ko siya mula sa dalampasigan naka upo siya at nakatingin sa direksyon ko. Malayong malayo ang itsura niya ngayon sa pinapakita niya sa school. Isang beses naalala ko na dadaan ako sa room nila nakita ko siyang nanghihingi ng pagkain pero inabot niya sa akin ang lunch niya. Napaka lambot ng puso niya para sa mga taong mahal niya.
Lumangoy ako papalapit sa kaniya umupo sa harap niya kaya naman kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat. "Bakit?" tanong niya na may malawak na ngiti. Pekeng ngiti. Tiningnan ko lang siya ng seryoso at walang emosyon kaya naman kinunot niya ang noo niya. "Wag kana mag panggap, alisin mo na yang ngiti na yan" seryoso kong sabi kaniya. "Hehehehe anong ibig mong sabihin Six?" sabi niya na may pekeng tawa at pinitik ko ang noo niya. "Aray, ang sakit" habang hinihimas niya ang noo niya.
"Isa lang kasi akong anak sa labas" pag sisimula niya ng kwento.
—————
LIKE , COMMENT , AND FOLLOWES ME PO!!
BINABASA MO ANG
My Fatty Oily Love
Teen FictionMY FATTY OILY LOVE Nang una kitang makita, Hindi kita gusto! Wala sayo ang hinahanap kong katangian isang maganda, matalino, at higit sa lahat sexy na babae sa lahat ng katangian na nabanggit ko kabaliktaran mo yun. Masyado ka ding buglar at hindi k...