Chapter One: Efforts
"SIA! SIA! ETO NA DADAAN NA SI SIX!" rinig kong sigaw ni Wendy kaya naman agad agad akong tumayo at kinuha ang lunch box sa bag ko. Tinitingnan ko siya sa bintana ng classroom kaya naman ng malapit na siya sa pinto ay humarap ako sa kaniya. "A-a-no Six eto oh!" at nilagay ko ito sa kamay niya.
Ngunit alam ko na ang gagawin niya dahil routine namin ito araw araw. Tinignan niya lang ako at nilampasan sabay pumunta sa trash can ng hallway at tinapon doon ang lunch box na binigay ko. "Tinapon ulit?!" inis na sabi ni Wendy nang makalayo layo si Six. Nang wala na si Six sa hallway kinuha ko ang lunch box sa basurahan at pinagpag ito. "Alam mo Sia itigil mo na yang pag kakagusto mo sa masungit na si Six" rekomenda ni Tintin. "Since First year Highschool gusto ko na si Six, Tintin ngayon pa ba ako susuko kung kelan fourth year highschool na tayo?" paliwanag ko sa kanila. Nag katinginan naman si Wendy at Tintin. "Buong oy! Hoy Sia Elizabeth Tuazon, FYI lang! 3 years mo nang nililigawan si Six pero kahit 5 seconds hindi ka niya kinausap" pang aasar ni Wendy.
Mag sasalita pa bali ako ng biglang tumunog ang bell. Ibig sabihin tapos na ang lunch. "Hindi ka tuloy nakakain ng lunch kakaantay kay Six" inis na bulong sa akin ni Tintin. Dumating na ang mga classmate namin pati ang mga grupo ni Ylona. "Oink" asar niya pero hindi ko na lang siya pinansin. Sumunod na dumating na din ang teacher namin. "Oh Ms. Tuazon, nakakagulat na nakapasa ka pala" pang aasar ng teacher namin sa Chemisty si Mrs. Boltes, nang sabihin niya nag tawanan ang mga kaklase ko.
"Akalain mong yan Ms. Tuason nakapasa ka pa sa puro line of seven mo na grades" dagdag ni Ma'am Boltes dahilan para mas lalong madagdagan ang tawa nila. "Buti nga po nakapasa" pabalang na sagot ko. "Ano?!" inis na tono. Siya mang aasar pero pag pinatulan pikon. "Wala ho." pabalang ko din na sagot. "Mag squat ka sa labas ng room bilis!" utos niya. Kaya naman wala akong nagawa kundi tumayo at lumabas ng classroom at nag squat ako. "Ayan napapala ng mga estudyante na bastos kung managot!" sabi niya sa mga kaklase ko. Tiningnan ko sila Wendy at Tintin na malungkot ang tingin sa akin kaya naman binigyan ko sila ng isang malaking ngiti. Umusod ang mata ko at nakita kong nakatingin din ang grupo nila Ylona binigyan nila ako ng pang demonyo na ngiti.
Habang nag iisquat may papalapit na isang lalaki na kilalang kilala ko sa tangkad at sa tindig niya sigurado akong siya yon. Kung galing kasi siya sa classroom nila at bababa siya madadaanan niya ang classroom namin dahil Star Section siya, matalino kumbaga at ako naman ay Moon Section pambobo kumbaga. Nakakahiya lang dahil sa ganun sitwasyon ako makikita ni Six. "Mr. Vargas" kaya naman napahinto si Six sa harap ng classroom namin at tumingin kay Ma'am Boltes ng tawagin siya nito. "Yes Ma'am" walang ka emosyon na emosyon na sabi ni Six tiningnan ko naman si Ylona at nag simula na siyang mag pa cute. "Pwede bang ipaliwanag mo sa amin ang meaning ng chemistry?" Nakangiting request ni Ms. Boltes. "Wala pong problema" wala pa din siya emosyon.
Kaya naman nung pumasok si Six sa classroom ay nag hiyawan sila. Dahil ang pinaka gwapo at pinaka mayaman na estudyante ng Morris High ay nasa classroom namin. Napaka swerte nila makikita nila si Six na nag papaliwanag samantalang ako nakakahiya dahil nakita niyang naka squat ako. Tiningnan ko si Six habang nag papaliwanag.
"Chemistry is the scientific discipline involved with elements and compounds composed of atoms, molecules and ions" pasimulang paliwanag ni Six lahat ay nakatingin sa kanya at namamangha.
"their composition, structure, properties, behavior and the changes they undergo during a reaction with other substances." dagdag ni Six.
"Very well said Mr. Vargas, Thank you for your precious time" at tumango lang ito sa kaniya at lumabas ng classroom muli na namang dadaan si Six sa pwesto ko kaya naman tumayo ako ng maayos at "Ang galing mo Six" mahina kong sabi sa kaniya pero wala siyang pakialam na para bang hindi niya ako narinig at dinaanan lang ako. "Hoy Ms. Tuazon wag kang umasa na papansinin ka ni Mr. Vargas! Mag aral ka muna" nakangiting pang aasar ni Ms. Boltes at muli na naman silang nag tawanan.
"Sia bakit ba kailangan mo pang manuod ng practice ni Six sa basketball ha?" iritang tanong ni Tintin. "Manahimik na lang kayo dyan at samahan nyo kong manuod ng laro ni Six tutal mga kaibigan ko naman kayo!" sabi ko sa kanila. "Ewan ko sayo Sia, diba may trabaho ka pa sa supermarket ng Auntie mo?" inaantok na sabi ni Wendy. "Oo nga pala buti pinaalala mo. Sige mauna na kayo umuwi. Maya maya lang uuwi na din ako" nakangiti kong sabi sa kanila. "Bahala ka!" "Nakakatawa ka" sabi nilang dalawa at nag marcha na papalayo sa Gym.
Nang maka shoot si Six. "ILOVEYOU SIX!!!" Sigaw ng mga babae sa bench. Napairap na lang ako sa inis. "Hey yo, Bab" pag tataray na tawag sa akin ni Ylona kaya naman humarap ako sa kaniya. "Alam mo Fat. Inaaksaya mo lang ang panahon at oras mo para mapansin ka ni Six" pang aasar niya. "Oras ko naman ang nasayang hindi sayo, kaya wag ka mag alala" pag tataray ko din na sagot sa kaniya. "Hindi bagay sayo maging mataray, Mukha kang baboy na nag iinarte sa kakainin. Right girls?" sabi niya sa mga julalay niya at binangga ako ni Ylona sa balikat bago lagpasan.
Nakita ko si Six na nag pupunas ng pawis at nakaupo sa bench tahimik lang talaga siya at walang imik nang lumapit ang coach niya sa basketball. "Six. Hindi kaba na pepressure na ikaw na ang bagong Captain ng basketball team at the same time Student Council President?" nakangiting tanong ng coach nila. "Hindi naman" walang reaksyon na sabi ni Six. "Kahit sa mga coach at kaibigan niya wala man lang siyang pinapansin kahit sino" bulong ko sa sarili ko.
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa locker ni Six at iniwan doon ang ginawa kong turon para sa kaniya. Alam ko gutom siya pagtapos ng training! Ilang taon ko na din tong ginagawa para kay Six. Pero kahit isang beses ay di niya ako kinausap may sabi sabi na may childhood love daw si Six na nakatira na ngayon sa America. Siguro kung totoo man yon napaka swerte niyang babae dahil may Six na nag mamahal at tapat sa kaniya.
/////////
Like and Follow me po!
BINABASA MO ANG
My Fatty Oily Love
TienerfictieMY FATTY OILY LOVE Nang una kitang makita, Hindi kita gusto! Wala sayo ang hinahanap kong katangian isang maganda, matalino, at higit sa lahat sexy na babae sa lahat ng katangian na nabanggit ko kabaliktaran mo yun. Masyado ka ding buglar at hindi k...