Chapter 2: Andrew Copper
"Sia tara na!"
"Bilisan mo na!"
Rinig kong sigaw mula sa labas ng bintana ng kwarto ko. Kaya naman sumilip ako. "Sandali" sigaw ko at mabilis na kinuha ang bag ko. Bago ako tuluyang lumabas ng bahay ay nakasalubong ko si Auntie. "Sia, sabi ng papa mo bisitahin mo daw siya sa weekends" nakangiting sabi ni Auntie. "Opo auntie" sagot ko. "Sia mamaya palinis na din ng computer room ha? Darating kasi mga classmate ni Kate eh." dagdag ni Auntie. "Opo!" nakangiti kong sabi. "Mauna na po ako" paalam ko kay Auntie at tumango ito."Ang tagal mo!" inis na sabi ni Wendy. "Sorry naman Te, jusko nag linis pa ko ng kwarto ni Kate at nag laba pa ko kaninang madaling araw!" pag papaliwanag ko. "Bruhilda naman talaga yang Auntie mo nag papanggap lang" usisa ni Tintin. "Tara na malelate na tayo sa English!" sabi ko sa kanila kaya naman mabilis kaming tumakbo para makarating agad sa school.
"Grabe no? Si Six na ang bagong student council president?" tanong ni Tintin. Kinuha ko naman ang English book ko sa locker. "Syempre naman mga Te, gwapo na matalino pa kaya siya binoto ko last year eh" at ngumiti ako sa kanila ng napakalaki. "Huy te, kung maka proud ka para namang girlfriend ka ni Six." batok sa akin ni Wendy. Nang mag simula na kaming mag lakad papunta ng room.
"Good morning 4-D" nakangiting bati ni Ma'am Lisa, english teacher namin. "Good Morning Ma'am" bati naming lahat. "You may now sit down." utos niya kaya naman sabay sabay na kaming umupo. "Ms. Tuason, pwede bang pautos?" tanong sa akin ni Ma'am Lisa. "Oo naman po ma'am" nakangiti kong sagot sa kaniya. "Pakuha naman ng English book ko sa faculty room." utos niya kaya naman lumabas agad ako ng classroom. Mabait si Ma'am Lisa di katulad ni Ma'am Boltes kaya naman sinunod ko siya at isa pa sa dahilan kaya ko siya gusto sundin ay madadaanan ko ang room ni Six. Kung pupunta ka kasi sa third floor katabi ng hagdan ang room nila, kung pupunta ka naman sa ground floor ay madadaan ang room namin dahil katabi ito ng pababa na hagdan. Sumilip ako ng bahagya kung andun ba si Six at confirm andun siya naka upo siya at nakapikit habang may nakasalpak na earpods sa tenga niya. -------
"Aray!!" sigaw ko dahil may kung anong malakas at matigas ang nabangga ko. "Sorry Miss, pasensya na" nag aalala nitong sabi. Nang tingnan ko kung sino yun si Andrew Copper ng 4-B. Sikat din ito at gwapo sa larangan naman ng baseball. "Ayos lang" habang hinihimas ko ang pwetan ko sa malakas ko na pag kakabagsak. Nang tingnan ko ang classroom nila Six halos lahat ay nakatingin na sa akin at nag tatawanan.
"Buti hindi ka nasaktan Andrew!" sigaw ng isa sa mga classmate ni Six. "Ang bigat pa naman niyan" dagdag pa nito. Tiningnan ko si Andrew at nanatili itong nakatingin sa akin kaya naman tinulungan niya ako tumayo. "Miss, pasensya na binabasa ko kasi tong libro ko history di ko napansin na may makakasalubong na pala ako" paliwanag niya. "Hindi ayos lang, pasensya na din at nabangga kita. Sige mauna na ako" at nag lakad na ako paakyat ng hagdan.
Nang makaakyat ng hagdan hinawakan ko ang puso ko. Kinakabahan ako dahil baka nakita ko ni Six sa ganong itsura. Ang alam ko ang itsura ko para akong isang marshmallow na tinapon. Sinabunutan ko na lang ang sarili ko at pinag hahampas ko ang mga kamay ko. "Anong ginagawa mo?" walang emosyon sa kaniyang mukha at boses. Huli nang nag sink in sa utak ko na si Six Dein Vargas pala ang pumansin ako nang makadaan na siya, Nakakahiya. Nakita ko siyang pumasok din sa Faculty room kaya naman pumasok na din ako.
"Hello Mr. Vargas, buti naman at pumunta ka. Sabi ng ating school Founder Mr. Carlos Morris ay magkakaroon tayo ng 2 days and 1 night camp sa Subic. Lahat ng graduating highschool" rinig kong paliwanag ni Ma'am Montel ang Teacher President. "Ms. Tuazon anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ms. Boltes kaya naman sa kaniya na nabaling ang atensyon ko. "Ano po, yung english book po ni Ma'am Lisa po" paliwanag ko. "Hanapin mo na lang dyan" utos ni Ma'am Boltes nang mapansin kong lumabas na si Six kaya naman pinulot ko na lang ang nakapa kong libro at lumabas ng classroom sinabayan ko si Six sa pag lalakad at binulungan ko siya. "Crush kita Six" humahagikhik kong sabi nang bigla siyang tumigil at tumingin sa akin ng masama. As in masamang masama na para bang naiinis siya sa akin. Nag simula na siyang maglakad at napanguso ako sa ginawa niya. Ganon ba talaga ang ayaw niya sa akin? Habang nasa tuktok ako ng hagdan at nag lalakad siya pababa ay huminga ako ng malalim at "I LOVE YOU SIX!!!!" at tumakbo na ako para ibang hagdan dumaan. Di ko alam kung natawa siya o kinilig siya pero ang tanging alam ko lang non ay nabwisit siya sakin.
BINABASA MO ANG
My Fatty Oily Love
Novela JuvenilMY FATTY OILY LOVE Nang una kitang makita, Hindi kita gusto! Wala sayo ang hinahanap kong katangian isang maganda, matalino, at higit sa lahat sexy na babae sa lahat ng katangian na nabanggit ko kabaliktaran mo yun. Masyado ka ding buglar at hindi k...