Chapter Four: Interesting
Six Dein Vargas Point of view
NANG SABIHIN niya ang salitang yon. Nanatili kong nakatingin sa mga mata niya. Masyado pa lang malungkot ang buhay niya sa pinaka kita sa akin kanina sa bahay nila ay 10% pa lang pala yon ng kalungkutan sa buhay niya. "What do you mean?" tanong ko sa kaniya. "Katulad ng sinabi ko, Hindi ko sila pamilya. May iba akong magulang. 7 years old ako nilagay na sa isip ko na anak lang ako sa labas." kwento niya. Nanatili akong interesedo sa kwento niya kaya naman nakinig ako. "Si Papa, pangalawang asawa na siya ni Mama. Iniwan ako ni Mama sa puder ni Papa. Sila Christina at Christian hindi ko sila totoong kapatid. Anak sila sa bagong asawa ni Papa, si Mama Yolly. Naging maayos ang trato nila sa akin at pinalaki nila ako ng maayos kahit hindi nila ako totoong anak" dagdag sa kwento niya. "Where's your mom?" tanong ko sa kaniya. "Patay na nung highschool pa lang ako" sagot niya. "I mean your real mom" pag uulit ko. Napabuntong hininga siya. "Naalala ko, sabi niya mag tatrabaho lang daw siya sa Manila pero di na siya bumalik." malungkot na kwento niya. "How about your real dad?" tanong ko ulit. "Baby pa lang daw ano namatay na siya. Bali yung tinitirhan ko sa Manila, si Auntie kapatid siya ng Mama ko kunwari" nakangiti niyang kwento.
Ibig sabihin kahit hindi niya kapatid ang mga batang yon ay binilhan niya pa din ng shoes and shirts? Even her Dad the fake one, She used to buy him some medicine. But Hindi siya totoong anak. I wonder kung bakit nahihiya ang Papa niya tuwing may iaabot si Sia. Quiet Interesting story of her.
"Tara!" sabi niya at pinagpagan ang pwetan niya. Naglakad kami ng medyo malayo at dinala niya ako sa isang mahabang tulay. "Saan karugtong to?" tanong ko sa kaniya. "Isang isla, tuwing dadaan ang bagyo at masisira ito, Ang mga tao dito sa bayan ay nag tutulungan para ayusin ito." mahaba niyang kwento. Umapak siya sa tulay at tuloy tuloy na naglakad. "Ang sabi nila kung sino daw ang kasama mong tatawid sa tulay na to papuntang kabilang isla ay siyang makakatuluyan m--- Aray!" sigaw niya ng pitikin ko siya sa noo.
Ginu-good time niya ata ako. Tinitingnan ko siya at nanatili siyang nakatingin sa daanan ng tuloy. Payapang payapa ang mukha niya. "Gusto kita Six kahit hindi mo ko gusto" nakangiti niyang sabi. "Mas---" "ATEEEEE! KUYAAAA!" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng marinig namin ang sigaw ng mga kapatid niya. "Oh. Tina at Tian?" tanong ni Sia. "Kakain na daw po sabi ni Papa" at hinila nilang nakangiti si Sia. "Tara Kuya" sabi ni Tina dahil napansin niyang di ako nag lalakad kaya naman sumunod na din ako sa kanila.
Habang kumain kami ay walang humpay ang kwento ni Sia pati kung paano siya mag toothbrush at kung anong favorite number niya sa electricfan ay nakwento na niya. Pero kahit ganon ka overacting ang kwento ni Sia pinapakinggan pa din siya ng Papa niya at tuwang tuwa sa kwento. Ano kayang feeling kung ang daddy mo ay masayang masaya sa mga kwento mo? Ew, so girly. I will never understand that feeling. My dad and I are not in good terms.
Masaya kaming natapos sa pagkain. Masaya pala pag marami kang kasabay kumain. Natapos lang ang kwento ni Sia nang tanungin siya ng Papa niya kung ano mga graded niya sa school. I wonder why? "Mamayang gabi ako mag luluto ng ulam" proud na prisinta ni Sia at nag palakpakan ang mga kapatid niya at Papa niya. "Yes Ate, matitikman ko na din ang masarap na luto mo" masayang sabi ni Tian. Naalala ko nang tikman ko ang turon na naiwan sa locker ko pagtapos ng basketball, yun ang pinaka masarap na miryenda na natikman ko, At oo alam kong siya yon dahil basta gawang bahay na pagkain ay kanya yon. Masarap din kaya siya mag luto ng ulam? Kasi lagi kong tinatapon sa basurahan ang lunch box na binibigay niya.
Nang kinahapunan pagtapos ko maligo, nakita ko siyang natutulog sa may duyan sa ilalim ng puno. Kitang kita ang himbing ng tulog niya at pakiramdam ko masarap ang ganong pwesto. Tinusok tusok ko ng hintuturo ko ang matataba niyang pisngi. Parang mga marshmallow sa lambot. Pero parang naka set ata talaga ang tulog niya dahil kahit ilang pindot ko ay di siya nagigising. Kaya naman tumabi ako sa kaniya sa duyan mukha ngang masarap talaga first time gagawin ito. Masarap ang buhay sa probinsya.
**
Nagising ako kinagabihan andito pa din ako sa duyan pero wala na si Sia. Kaya naman agad akong pumasok ngunit napansin kong tulog na sila sa kwarto. Pero nakakapag taka na wala na doon si Sia maging sa CR kaya naman lumabas ako at kahit madilim ay nakita ko syang lumabas ng kahuyan kaya naman sinundan ko ilang minuto din siyang nag lakad lakad at huminto siya sa isang karinderya. Nanatili akong nag tatago para tingnan ko siya kung ano angbgagawin niya.
"Aling Pasing, Sige na po, Ngayong gabi ako mag tatrabaho hanggang bukas ng umaga para may pamasahe ako pauwi! Kailangan ko po kasi ng 500" rinig kong sabi ni Sia sa matanda. Para naman akong binagsakan ng hallow blocks sa narinig ko. Kundi dahil sa akin ay malamang may pamasahe pa siya pauwi at di niya kailangan mag trabaho.
"Ano Elizabeth? Ika'y nag papatawa ba? 500 pesos eh lunes hanggang biyernes na trabaho na yun eh. Atsaka 250 lang ang pamasahe paluwas ng manila eh" sermon sa kaniya ng matanda. "Eh Aling Pasing naman, kailangan ko lang talaga ng pera may sinama kasi ako ditong kaklase wala din siya pamasahe" nag mamakaawa ang tono niya.
Napabuntong hininga na lang ang matanda. "Hay naku, Elizabeth wag ka masyadong mabait dahil baka abusuhin ka. Osya sya. Wag kana mag trabaho papahiramin na lang kita ng 500!" sabi nito. "Talaga po? Maraming Salamat Aling Pasing. Hugasan ko na po muna yung mga plato niyo sa likod" at mabilis na tumakbo si Sia sa loob. Kahit sinabihan siya na wag na mag trabaho ay pinag pilitan niya pa din gawin. Sakit sa ulo ang pagiging mabait nya.
Naramdaman ko ang gutom sa tiyan ko at pag pasyahan ko munang umuwi at kumain. Pagbalik ko ng bahay nila ay tulog na talaga ang mga bata at Papa nila. Binuksan ko ang ulam na nakatakip sa lamesa pag bukas ang paborito kong bulalo. Nakakahiya man pero nagugutom na talaga ako kaya naman nag simula na akong sumandok ng pagkain at mag lagay ng sabaw at karne ng baboy. Unang higop ko: Sobrang sarap. Mas masarap pa ang luto na to kesa sa mga restaurant. "Buti naman at gising kana." nagulat ako ng pumasok si Sia. "Oo nakaramdam kasi ako ng gutom" sabi ko sa kaniya. "Okey kain ka lang pasensya na di ako masarap magluto" sabi niya at nag nilagpasan niya na ako.
Nagbibiro ba siya? Ang sarap niyang magluto. Naalala ko lagi syang nag bibigay ng lunch box sa akin siguro'y masasarap din ang ulam na nasa loob non. Mabilis akong kumain hanggang ma satisfied ang tyan ko. Nilagay ko ang mga plato sa sink at sisimulan ko sanang hugasan, pero di ako marunong. "Ako na Six." sabi niya at kinuha niya ang sponge sa kamay ko. Hinugasan niya ang mga plato at pulido hindi ko din alam sa sarili ko bakit di ako umalis, nakakaaliw pala tingnan ang pag huhugas ng plato. Nakakaaliw siya tingnan.
***
Sia Elizabeth Point of View
KINABUKASAN maaga kaming gumising ni Six para mag asikaso pabalik ng Manila. "Ate, kelan ka po babalik ulit?" tanong ni Tina sa akin. "Ate, wag kana lang kaya umalis" sabi naman ni Tian. "Uuwi si ate pagtapos ng first grading exam ko, okey?" nakangiti kong tanong sa kanila. At Ngumiti sila ng napakalaki at tumango. "Kuya balik ka din ha?" tanong naman ni Tina kay Six. Pero wala pa din reaksyon ang mukha niya. "Oo" sagot nito. "Aalis na kami Papa, mag ingat kayo ha?" paalam ko kay Papa. "Oo anak, mag ingat din kayo" teary eyes na sabi ni Papa.
Pagtapos ng ilang oras na byahe ay nakarating din kami sa terminal ng bus. "Pasensya na sayang ang isang araw. Ingat ka" sabi ko sa kaniya at nag simula na akong maglakad. "Salamat" walang emosyon na sabi niya kaya naman ngumiti ako. "I LOVE YOU SIX" sigaw ko at mabilis na tumakbo papasok ng subdivision namin. Sigurado ako nainis si Six sa ginawa ko at ayos lang yon speacialty ko yun eh.
"Auntie, andito na po ako" sabi ko nang makita si Auntie na nakaupo sa sofa. "Mabuti naman, Palinis naman ng kitchen Sia natapon kasi ang cerials at milk kaninang umaga eh" sabi ni Auntie at muling nag basa ng dyaryo. Agad kong binaba ang bag at dumiretso sa kusina para linisin ang cereals na natapon.
Hindi ko alintana ang pagod at kung ano pa man. Dahil sobrang saya ng puso ko buong araw kami magkasama kahapon ni Six. Pero alam kong babalik na naman siya sa hindi pag pansin sa akin. Naalala ko pa nang magising ako kahapon sa duyan ay nasa tabi ko siya kaya naman nag nakaw ako ng halik sa noo niya at nakakahiya pa nakita ni Tina. Hahaha! Excited na akong ikwento kay Wendy at Tintin tong Weekends ko.
to be continued———-—
VOTE / COMMENT / FOLLOW ME IN THIS WATTPAD ACCOUNT PARA NAMAN GANAHAN AKO MAG SULAT. LOVE NA LOVE KAYO NI SIA AT SIX.
----- MS FERRYSWHEEL27
BINABASA MO ANG
My Fatty Oily Love
Teen FictionMY FATTY OILY LOVE Nang una kitang makita, Hindi kita gusto! Wala sayo ang hinahanap kong katangian isang maganda, matalino, at higit sa lahat sexy na babae sa lahat ng katangian na nabanggit ko kabaliktaran mo yun. Masyado ka ding buglar at hindi k...