Chapter Five: The Cassanova
PASUKAN na naman at makikita ko na ulit sila Wendy at Tintin excited akong makita sila dahil sasabihin ko sa kanila amg nangyare sa weekend ko. I mean saturday pala hehe! Nakakapag taka lang ay anong oras na at hindi pa nila ako dinadaanan sa bahay, kaya naman napag desisyonan ko na mauna na lang ako sa school dahil baka hinatid sila ng mga parents nila.
Pero laking dismaya ko nang makarating ako sa room namin ay wala sila maging ang kanilang bag ilang minuto na lang ay mag sisimula na ang klase. Hindi ako nag kamali dumating na ang teacher namin sa English at wala pa sila Wendy at Tintin. Buong morning class ay naging maayos naman puro discussion lang, tumunog na ang bell ibig sabihin ay lunch break na.
"Ikaw lang kakain dito Fat. Gusto mo samahan ka namin?" pag aasar ni Ylona. "No thanks, baka manghingi ka pa ng pagkain ko." pabalang kong sagot sa kaniya. "Baka gusto mo bilhan pa kita ng restaurant" pag tataray na sabi ni Ylona. "Edi bilhan mo." sagot ko. "Loser" pang aasar niya at umalis na sa harap ko. Napa buntong hininga na lang ako sa pagiging isip bata nila.
Bubuksan ko na sana ang lunch box ko nang mapansin kong may mag lagay ng isa pang lunch box sa harap ko at nag usod ng upuan. "Andrew?" tanong ko. Ngunit parang wala siyang naririnig patuloy lang siya sa pag bukas ng lunch box niya at sunod sunod na sumubo. "Hindi masarap" sabi niya. "Andrew? Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya. "Ang dami kasing tao sa cafeteria Elizabeth, dito muna ako mag lalunch ha?" nakangiti niyang sabi sa akin. "Bakit dito? Bakit hindi sa room nyo?" nakakunot na noong tanong ko sa kaniya. "Wag na madaming tanong" sagot niya. Kaya naman nag simula na din akong kumain. "Bakit dalawa yang lunch box mo?" tanong sakin ni Andrew kaya naman tiningnan ko ang lunch box na nasa gilid.
Kulay pula ito at para ito kay Six. "Pa-para ito kay Six" sagot ko. "Tingin nga!" at binuksan nya ang lunch box ni six sabay kumuha ng isang laman ng baboy.
"Grabe! Ang sarap. Ikaw ba nag luto nito?" habang ngumunguya syang kumakain. "O-oo pe-pero di para sayo!" singhal ko sa kanya mabilis kong hinila ang lunch box sa kanya pero hinila nya rin ito agad.
"May pagkain naman yun e, gusto ko pa ang sarap ng luto mo" sagot nya at kinuha nya ulit ang lunch box mabilis ko naman itong kinuha dahilan para malaglag ang lunch box at matapon ito.
"Sana binigay mo na lang sakin" malamig na sabi nya. Nakonsensya naman ako pero di naman para sa kanya ito. Tumayo ito at akmang lalabas na ng classroom.
"Sandali." pag tigil ko at mabilis akong nag lakad sa kanya. "P-pasensya na. Bukas dadalhan rin kita ng para sayo" sagot ko. Mabilis naman na nag liwanag ang mata nya at ngumiti ng malaki. "TALAGA ELIZABETH?!" ^______^
"O-Oo pero Sia na lang." sagot ko sa kanya. "Ayoko, lahat sila Sia ang tawag sayo kaya Elizabeth ang itatawag ko sayo" nakangiti nyang sabi.
"Ikaw ang baha—" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita ko si Six na nag lalakad kaya naman agad agad akong nag tago sa ilalim ng bintana. Wala na kasi akong ibibigay sa kanyang pagkain.
"Ginagawa mo?" nag tatakang tanong ni Andrew. Sinenyasan ko naman syang tumahimik. Ilang sandali pa ay tumayo na ko "Wala na ba si Six?" tanong ko sa kaniya. "Wala na, bat kapa nag tago?" tanong ni Andrew.
"Wala kasi akong ibibigay na lunch box sa kaniya." sagot ko. "Gusto mo ba sya?" tanong ni Andrew. "Oo, since first year highschool" sagot ko. "PSSSHH. Iba na lang." singhal ni Andrew.
Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang lunch break. "Bye Elizabeth" paalam niya at lumabas na. Tumango naman ako at bumalik na sa table ko.
-
BINABASA MO ANG
My Fatty Oily Love
Ficção AdolescenteMY FATTY OILY LOVE Nang una kitang makita, Hindi kita gusto! Wala sayo ang hinahanap kong katangian isang maganda, matalino, at higit sa lahat sexy na babae sa lahat ng katangian na nabanggit ko kabaliktaran mo yun. Masyado ka ding buglar at hindi k...