Catastrophic Journey

7.4K 259 5
                                        




MULA NG GABING iyon ay hindi na siya makausap ng maayos. Halos nawalan na siya ng boses, nawalan ng lakas at nawalan ng buhay. Sa tuwing tinatanong ng ina at tiyahin ay puro lamang luha ang sinasagot ng mga ito. Nababahala na ang mga ito maging ang kaibigang si Jaja na noon ay kadadalaw lang sa kaniya.


"Ano ba kasinv nangyari noong gabing iyon ha Jaja?" Tanong ng ina rito.

"Tita, wala naman po. Oo, napainom siya konti. Tapos nag-CR. Pagbalik ay iyon, nagkagulo gawa ng nalulunod iyong kaklase namin." Kuwento nito sa ina. "Pagbaling ko po sa pampang ay nakita ko na lang po siyang nakalupasay sa gilid at umiiyak. Iiling-iling sa saka muling hahagulgol." Dagdag pa nito.

Dinala na siya sa doctor pero sabi ay wala naman siyang sakit. Kaya pati albularyo ay tinawag na rin ng ina at tiyahin dahil baka daw nabigla siya sa nangyari sa kaibigan nila o di kaya ay naenkanto. Kung hindi lang mabigat ang pinagdadaanan ay baka natawanan ang ina at tiyahin sa ideyang na-engkanto siya.

Habang tinatawas siya ng albularyo. Wala siyang nagawa nang pahigain siya nito. Tututol pa sana siya pero mapilit ang ina. Umiiyak pa rin siya ng sandaling iyon habang sa hawak na ng albularyo ang palangganitang maliit na may tubig. Saka sinindihan nito ang kandila at tinunaw sa palangginitang may tubig.

Matapos mahango roon ang tinunaw na kandila ay tinapat nito sa ilaw. "Lalaki....isang lalaki ang nakikita ko rito.." wika nito. "May lalaking may gusto sa inyong anak. Gustong-gusto siya at dahil ayaw ng anak niyo ay gumaganti siya." Dinig na turan ng albularyo.

Maging tuloy siya ay tila naniwala rito. 'Lalaki...may gusto sa kaniya..." ulit niya sa isipan. Hindi niya nakita ang mukha ng lalaki dahil sa bigat ng talukap ng mata. Pilit dinidilat pero blurred ang nakikita. Pinikit ang matang luhaan at pilit inaalala ang mukha ng lalaki pero walang mukha ang nakikita.

"Sino mang Istong?" Agad na tanong ng tiyahin.

Umiiling-iling ang albularyo. "Hindi ko mawari Digna pero nakikita ko rito. Maraming salapi.." anito.

"Anong ibig mong sabihin?" Gagad naman ng ina sa albularyong si Mang Istong.

"Mukhang mayaman ang lalaking nagkakagusto sa anak ninyo." Anito dahilan para magtinginan ang ina at ang tiyahin.

Nang matapos ito ay pilit siyang kinausap ng ina lalo pa at kinabukasan na ang kanilang graduation. Sinabing hindi siya dadalo pero nakita ang disappointment sa ina. Proud na proud pa naman ito dahil sa kabila ng hirap nito ay napagtapos siya nito.

"Anak, ano bang nangyayari sa'yo ha? Hindi ka naman ganito. Akala ko ba ay tutukungan mo pa ako. Pero bakit ganito?" Iyak nito sa kaniya. Nakatulala lang siya sa kawalan muling bumukal ang luha sa mata niya.

"Ate.." haplos ng tiyahin sa ina. "Hayaan na muna natin siya kung ayaw niya. Tutal ay tapos na naman siya. Formality na lang ang graduation ceremony na iyon." Alo ng tiyahin dito ng makitang muli siyang naiyak.

"Pu—pupunta ako.." aniya doon ay mabilis na nagtinginan ang magkapatid.  Mula kasi ng araw na iyon ay hindi siya narinig na nagsalita ng mga ito. Ngayon lang dahil na-realize niya na tama ang ina. Nasaan na ang pangako ritong tutulungan ito. Dahil lang ba sa demonyong lalaking iyon ay ibabasura lahat ng pinaghirapan nilang mag-ina. Hindi pa naman siguro katapusan niya dahil kapiraso lang naman ng pagkatao niya ang kinuha ng lalaking iyon.

Mula noon ay muling binalik ang sarili. Nababaghan ang ina at ang tiyahin kasama na rin ang tiyuhin niya ngunit walang nangangahas na magtanong o ayaw lang ipaalala ng mga ito.

"Salamat anak at nakatapos ka na. Akala ko talaga ay mawawala ka na rin sa akin gaya ng tatay mo." Iyak pa ng ina ng makababa sila sa entablado.

UNDERCOVER BOSS: TRAVIS The  Real Estate MogulMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon