TUWANG-TUWA ang ina at sinusulit ang stay nila sa hotel na iyon. Malambot na kama, magandang silid, magaranh banyo at masasarap na pagkain. Maaga pa lamang ay gising na ang ina at nakabihis na. Agahan daw nitong pupunta sa almusal dahil buffet daw iyon.Wala na siyang nagawa kundi pagbigyan ang ina. Mabilis na tinungo ang restaurant katabi ng function hall ng hotel. Mukhang abalang-abala ang nasa kabilang silid kahit alas otso pa lamang ng umaga.
"Mukhang may Christmas party anak.." turan ng ina na nang-usisa pa talaga at nakipag-usap. Saktong nakilala ang mga ito na mga kasama ni Giezl sa reception. Hindi na rin niya napigilang tanungin kung anong oras ang breaktime ng mga ito dahil gusto niyang makakuwentuhan si Giezl.
Matapos mabusog ay bumalik sila sa silid. Napapailing na lamang siya habang nakikita ang inang tila batang sinusubukan ang lahat. "Naku anak, minsan lang tao makaranas ng ganito. Aba, sulitin na natin." Ani ng ina na tuwang-tuwa.
Habang nakatitig sa masayang mukha ng ina ay hindi niya maiwasang maluha. Napansin iyon ng ina. "Oh anak, bakit ka naluluha.." tanong nito.
"Masaya lang ako inay na nakikita kang masaya." Sabad rito.
"Itong batang ito oo, masaya ako dahil kahit papaano ay umaayos na ang buhay natin. Hindi kagaya noon na hindi ko iniisip kung saan ako pupulot ng pera may pambaon o pambayad ka lang sa eskuwelahan mo." Anito.
Sa sinabi ay mas lalo siyang naluha sa ina. "Salamat inay dahil sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin ay naririyan pa rin kayo." Saad dito dahil kahit ramdam niyang nagtampo noon ito sa kaniya ay hindi siya natiis.
Kumapit ito at niyakap siya. "Matitiis pa ba kita, eh ikaw lang ang nag-iisang alaala ng itay mo sa akin at kung pinabayaan kita noon. Baka naman magising sa hukay ang ama mo at pagalitan ako." Tawa ng ina.
Napatawa na rin siya pero muling nalungkot ng maalala ang ama. Lagi kasi nitong sinasabi sa kaniya noon sa bawat malalaking gusali silang nadadaanan ay darating ang araw na makakatira sila sa ganoon.
Naiyak tuloy siya sa alalahaning iyon. "Ikaw na bata ka. Pati ako naiiyak tuloy, sana nandito ang itay mo. Pangarap niya noon ang kahit sandali ay makaapak sa ganito kagandang hotel." Wika ng ina na naalala rin pala ang laging sinasabi ng ama.
"Sayang inay, di dapat kayo ni itay ang nandito at nagdi-date.." aniya habang pinapahid ang luha.
"Alam kong masaya na ang itay mo saan man siya dahil nagawa nating dalawa ang pangarap niya. Alam mo anak, masaya ako dahil nakikita kong magiging maayos ang buhay mo. Lalo na at mukhang mahal na mahal ka ni Travis." Ani ng ina.
"Inay.." salag rito.
"Totoo naman eh, alam mo anak. Boto naman ako kay Travis at sinabi mong maayos ang pamilya nito. Wala na akong mahihiling pa. Sana lang ay matanggap niya si Nicole...." anito saka tumingin sa kaniya.
Napalunok siya dahil mukhang tatanungin din siya ng ina tungkol kay Nicole. "Kailan mo balak sabihin ang tungkol sa anak mo.." tanong nito.
Napatungo siya. Natatakot siya, masaya siya sa nararamdaman kay Travis. Gusto niya munang namnamin ang damdaming iyon. "Hindi ko pa alam inay," tugon rito.
"Hahayaan muna kita anak, hindi dahil kinukonsenti kita pero gusto kong kalaman mo na mas mainam na ngayon pa lamang ay magsabi ka na sa kaniya habang kaya mo pang lumayo kung sakaling hindi niya tanggap ang iyong nakaraan." Turan ng ina. Yumakap siya sa ina na tila ba doon humuhugot ng lakas.
"Kukuha lang ako ng tiyempo inay.." mahinang turan.
Hindi na ito kumibo pa. Kinuha ang remote at nanood ang mga teleseryeng pinapanood nito. Nang masipat na malapit na mag-alas onse y medya ay agad na nagpaalam sa ina na pupuntahan lang si Giezl. Sinabi sa inang kapag nagutom ay tumawag na lamang dahil free of charge naman lahat. Busog pa rin naman siya at baka mag-light snack na lamang kapag kakain si Giezl.
BINABASA MO ANG
UNDERCOVER BOSS: TRAVIS The Real Estate Mogul
RomanceSimpatiko pero mabait. Lalaking umibig pero nasaktan ng labis. Travis Elizarte owns one of the leading real estate in the country. He also venturing in manufacturing his own goods. His company get most of the government projects such as office build...