A Hunt for Her

9.4K 268 10
                                    




HINDI NA siya pinilit ng ina nang sinabing pag-iisipan niya ang gagawin. Maging sa mga kaibigan ay nilihim ang nagawang karima-rimarim. Sa isipan ay pilit na binabalikan ang nangyari at tinitignan kung mailalarawan ba niya ang mukha nito. Ngunit kahit anong gawin ay alam niya lang na maiksi ang buhok nito at slim. Bukod doon ay wala na.

Nagawa rin niyang bumalik muli sa La Union at pilit na nagtatanong tungkol sa babae ngunit lahat ng napagtatanungan walang nakakakilala rito at kung meron man ay iba. Alam niyang iba dahil bukod sa katawan at buhok nito ay alam niyang may isa pa siyang palatandaan dito. May nunal ito sa may leeg niya at hindi iyon basta nunal dahil hugis puso iyon.

Isang linggo na siya sa beach resort na iyon sa San Juan at gabi-gabi siyang naglilibot sa bawat bar at club doon. Nagbabakasakaling makita roon ang babae pero wala siyang napala.

Napuno ng misscalls at message ang phone niya buhat sa mga kaibigan pero hindi sinasagot ang mga iyon. Nang muling makabalik sa Maynila ay nagmessage siya sa mga ito at sinabing nasa Maynila na siya.

Gaya noong una ay agad siyang sinugod ng mga ito. Mabilis na bumalandra ang mukha ng kaibigang si Tristan. Sumunod naman si Zion at huli si Zach na hila-hila pa ang girlfriend nito.

"What is this Zach! I told you, hindi ako pwedeng makita ng tao na kasama ka dahil may movie ako." Gilalas ng babae.

Nailing silang tatlo at hinayaan na lamang ang dalawa ng hilain ito ng lalaki sa labas. "For once, goddamn. Career mo pa rin ang iniisip mo. We've been together for three years." Dinig na turan ng kaibigan.

Nang bumaling ang tingin nina Zion at Tristan sa kaniya ay may pagtatanong pa rin sa mga titig ng nga ito.

"Hey what that look for?" Sabad sa mga ito. "I'm well now. Here.." aniya at nilabas sa ilalim ng lamesa ang paper bag. Tig-isa silang tatlo.

"What is this.." usisa ni Zion at nang tignan ay nilabas nito ang strawberry jam at ilang peanut brittle. Napakunot noo na tumingin sa kaniya.

"Ano ito, pansuhol?" Anito.

"Gago, pasalubong ko.." aniya rito saka tumawa.

"So, galing ka ng Baguio. Anong ginawa mo roon ng isang week. Nagmuni-'muni ganoon?" Anito.

Muli siyang tumawa. "Well, galing ako sa La Union. Hindi ko alam na papuntang Baguio ang nasakyan ko." Aniya na kinatawa ng mga kaibigan.

"Nag-commute ka?" Tanong ni Tristan na hindi makapaniwala. "No wonder.." anito na tila may pang-aasar.

Maya-maya ay pumasok na si Zach at wala na ang kasintahan nito.

"At saan ka na naman galing?" Anito na mainit agad ang ulo.

"Hey! Kung nag-away kayo ng gf mo, huwag ako ang pagbalingan mo. Oh heto sa'yo!" Ani ni Travis sabay bigay kay Zach ang paper bag.

"Ano naman ito!" Inis na turan nito.

"Strawberry jam para naman maging matamis ang ngiti mo dude. Malapit na sabitan ang nguso mo sa inis. Kasi ang mga ganiyang babae na puro career ang alam. Handa mo na ang sarili mo dahil iiwan ka lang rin." Mahabang turan dito. Napangisi pa siya ng muling maalala si Aprille.

"Huwag mo akong itutulad sa'yo.." ani ni Zach na nagkainitan na sila. Mabilis na pumagitna si Zion.

"Walang away! Relax lang. Kay Travis ay iba naman kay Zach. Kaya huwag na mag-away." Awat nito.

"Ano ba kasing ginawa mo sa La Union. Teka ka lang, magsabi ka nga. May naiwan ka ba doong chikababe.." sabad ni Tristan.

UNDERCOVER BOSS: TRAVIS The  Real Estate MogulTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon