LUNES iyon at gaya ng kaniyang eksperimento ay muli siyang pumasok sa loob ng opisina. Kapag nakakasalubong niya si Mr. Fernandez ay tikom ang bibig nito. Napapangiti sa kaniya. Nang breaktime ay agad na nagpaalam kay Mang Juan. Kakain lang siya sa karendirya sa tapat ng building nila.
Nakakalokong ngiti ang pinakawalan ng matanda. "Naku! Kapag tinamaan naman oo, huwag mong sabihing tipo mo iyong anak ng aleng nagtitinda." Anito na tila ba basang-basa siya nito.
"Sabagay, ke gandang bata. Kaya huwag papatay-patay." Pagpapalakas nito ng loob sa kaniya.
Dalawang gabi rin siyang nag-isip kung papaano mapapalapit kay Nikka. Hindi alam kung papaano sasabihin dito na siya ang lalaking gumawa ng hindi maganda sa kaniya. Ngunit maisip pa lamang na magagalit ito ng tudo sa kaniya ay umuurong na siya. Kaya isang pasya ang kaniyang ginawa.
Liligawan ito. Sa totoo ay hindi alam kung bakit iba ang pakiramdam sa tuwing napapalapit ito sa babae. Dala ba iyon ng guilt o talagang may iba siyang nararamdaman rito. Gaya ng payo ni Mang Juan ay bibilisan niya bago pa siya maunahan ng iba. Papalabas na siya ng office building nila ng makita ang magandang bulaklak ng daisy na nakatanim sa malaking paso sa labasan ng building niya.
Mabilis na pinutol iyon gamit ng daliri niya. Buti na lamang at hindi nakatingin ang security. Tinago niya iyon habang patawid sa highway at nang makarating sa kaniya ay magiliw siyang inistema ni aleng Delia. Nakita rin doon ang dalawa nitong serbidora at si Nikka. Mukhang may umaali-aligid na nga rito. Base sa uniporme ay galing sa kabilang building.
Pansin niya kasing panay ang tingin ng lalaki kay Nikka. "Oh Travis, aba? Mukhang maaga ka ngayon ah." Puna ni aleng Delia, ang ina ni Nikka.
Napangiti siya sabay tingin kay Nikka. Nahiya tuloy siya kung ibibigay ba ang hawak na bulaklak. Pero mukhang napansin iyon ng ale at napangiti ito ng matamis. "Aba, kay Nikka ba ang bulaklak na iyan?" Maang na tanong nito. Wala siyang nagawa kundi ang ilabas ang tinatagong bulaklak ng tawagin nito ang anak.
Nakitang napatingin sa kaniya ang lalaking kanina pa ay nakatingin kay Nikka. Sa klase ng tingin nito ay tila inuuri siya. Naalala niya tuloy ang kuwento kahapon ng kaibigang si Zach sa lalaking ex boyfriend ng babaeng pinupormahan nito.
"Hi..." tipid na turan kay Nikka na noon ay nakangiti sa kaniya.
"Buti naman ay okay ka na." Bungad nito. Agad niyang iniabot ang bulaklak. Magiliw nitong tinanggap iyon. "Kakain ka ba?" Tanong nito.
"Ah...hmmm oo.." nauutal na turan.
"Anong gusto mo?" Tanong nito sa kaniya. Diskaril na diskaril si Travis dahil nakapusod kasi ang mahabang buhok ni Nikka dahilan para malantad sa kaniyang paningin ang marka na nagpapaalala sa kaniya ng isang malagim na gabi.
"Ahhh...hmmm....kahit ano na." Turan.
"Okay ka lang ba hijo?" Untag ng ina ni Nikka nang mapansing pinagpapawisan siya. "Naiinitan ka ba?" Tanong pa nito.
"Hindi po. Okay lang po ako." Agad na tugon.
Napapangiti si Nikka. Hindi niya alam na ganoon ang epekto niya sa lalaki. Kitang tila nahihiya pa. Sa totoo ay gusto niya ito pero gaya nga ng sabi ng kaibigan niya. Handa ba siyang pumasok sa isang relasyon lalo na kapag isa lamang itong janitor. Wala siyang tutol sa klase ng trabaho meron ito pero sa hirap ng buhay ngayon at may extra baggage pa siya. Baka mahihirapan sila kung sakali.
BINABASA MO ANG
UNDERCOVER BOSS: TRAVIS The Real Estate Mogul
Roman d'amourSimpatiko pero mabait. Lalaking umibig pero nasaktan ng labis. Travis Elizarte owns one of the leading real estate in the country. He also venturing in manufacturing his own goods. His company get most of the government projects such as office build...
