"HOY NIKKA! Hoooooy!" Untag ng kaibigang si Jaja. Naging kaibigan ito mula nang lumipat sila ng ina sa La Union. Nang mamatay kasi ang ama ay nahirapan silang mag-ina sa Maynila kaya pinasya nitong umuwi na lamang sa probensiya nila dahil may kapatid ito roon. Handa raw silang tulungang mag-ina upang makapagsimula lalo pa at wala itong anak.
"Anoooo?" Gagad rito.
"Ay ang sungit! Itatanong ko lang kung dadalo ka sa graduation ball.." tanong nito.
"Oo naman, once lang kaya dadalo ako." Agad na sagot rito. Nakapagpaalam na kasi siya sa ina.
Kahit papaano ay naitaguyod siya ng ina sa dalawang taon kurso na computer science sa tulong ng kaniyang tiyahin at asawa nito na tricycle driver. Walang anak kaya siya na rin ang tinuring na anak. Mag-aanim na taon na rin sila ng ina sa La union. Second year high school kasi siya noong mapadpad doon at si Jaja ang una niyang nakapalagayangbloob doon.
"Hoy!" Muling untag nito.
"Ano ba Jaaa..bakit ka ba nambibigla." Irap dito.
"Kasi po kanina pa ako salita ng salita eh mukhang nalipad sa far far away ang isip mo. Ano ba iyon." Diga nito.
"Wala! Naalala ko lang. Anim na taon ba pala kami ni inay rito." Aniya rito.
"Miss mo na ba ang Maynila?" Tila malungkot na tanong nito.
"Hindi naman, naalala ko lang ang itay ko." Aniya. Doon ay naramdaman ang paghagod ng kamay nito sa likod.
"Nasaan man siya friend, alam kong masaya siya para sa'yo lalo na kay tita dahil kahit two years lang ang kurso natin ay naigapang kaniya." Pangongonsola nito.
"Salamat friend, so may isusuot ka na ba?" Tanong rito bago pa sila mag-iyakan.
"Meron na, iyong sinuot noong nakaraan ng ate ko. Ikaw ba?" Tanong rito.
Napatawa siya. "Ayon, nagpunta kami ni inay sa palengke pero mahal kaya sa Ukay na lang. Magaganda pa ang dress at branded." Tawa rito. Nakitawa na rin ang kaibigan.
"Sayang, ang ganda-ganda mo sana kung di mo pinaputulan buhok mo." Komento pa nito. "Pero infairness, bagay mo ang maiksi friend. Mukha kang pang model. Iyong sa internation. Ganyan mga buhok diba?" Anito.
"Loka! International ka pang nalalaman eh dito nga lang sa bayan natin waley na." Tawa rito.
"Hindi ah, ayaw mo lang kasi sumali ng beauty pageants." Anito na nakanguso.
"Oh siya, sige na. Maganda ako!" Tawa niya dahilan para matawa na rin ito.
"But how about doon sa in-organize nila Lilibeth na party after graduation ball. Iyong sa beach. Game ka ba doon?" Pahabol pa ni Jaja sa kaniya.
Hindi pa niya kasi iyon nasasabi sa ina dahil baka gabihin siya lalo. Sa dulo ng kabilang bayan pa kasi siya at dahil mas malapit sila sa eskuwelahan sa bayang iyon ay doon siya.
"Ano pupunta ka. No worries, all girls daw. Ipagpaalam kita kay tita. Ngayon ka lang naman lalabas ng ganoong ka-late at sasabihin ko kay tita na sa amin ka matutulog." Kindat ni Jaja sa kaniya.
Alam niyang mapilit ito kaya um-oo na lamang siya.
"Yes! Thank you friend. Alam mo naman kasing ikaw lang ang pinakamalapit sa akin di ba?" Palambing pa nito.
Ganap na ngang dumating ang graduation ball. Lahat na yata ng kaklase nilang lalaki ay napapalingon kay Nikka. "Wow friend. Bongga noon ah...may limousine ka pa.." wika ng kaibigan ng pagbaba sa tricycle ng tiyuhin.
BINABASA MO ANG
UNDERCOVER BOSS: TRAVIS The Real Estate Mogul
Roman d'amourSimpatiko pero mabait. Lalaking umibig pero nasaktan ng labis. Travis Elizarte owns one of the leading real estate in the country. He also venturing in manufacturing his own goods. His company get most of the government projects such as office build...
