Unang Alaala
Unang sayaw ng ating pagkakakilala
Di ko aakalaing ito pala
Ito pala ang ating unang alaala
Ang unang beses ng ika'y aking makitaMaaari mo ba siyang isayaw?
Tanong ng iyong kaibigan
Ngunit kulit ng aking katabi
Ako'y na pasige na lamang.Nagpunta tayo doon sa sayawan
Aking napaghahalata, ika'y kinakabahan
Ano ang iyong pangalan?
Pagpapakilala ang unang usapan.Tahimik ang sayawan
Siguro dahil sa kabang nararamdaman
Batid kong kailangan mo ng kausap?
Wag kang mahiya magsabi sa iba.Ilang minuto lamang ang pagsayaw
Maaari mo naman akong makilala
Sa social media o di kaya'y sa eskwela
Ito nga ang una nating alaala
BINABASA MO ANG
Tugma Salita
PoetryMuli nating tunghayan ang iba't ibang tula na hango sa iba't ibang perpektibo. *Bawat nararamdaman, nakikita, naririnig ay magiging salitang may nais sabihin at iparating* Tandaan mo sa lahat ng ito Ang salita kong pangako.