TULA 4

10 0 0
                                    

Tanglaw sa Dilim

Nanatiling tahimik ang buong paligid
Inaakalang walang tao sa silid
Punong-puno ito ng kadiliman
Kasama ang hikbi ng pusong naiwan

Nais lunurin ang sarili sa pumapatak na luha
Pinipilit ipikit nang tuluyan ang mga mata
Ihinihiling na mabura ang alaala
Mula sa punto na pinunan ang iba

Buong taon ang pusong ito'y naghihintay sayo
Sandigang balikat iyong masasandalan
Magsisilbing tenga sa bibig na nagkwekwento
Magiging tanglaw sa iyong tabi

Karaniwan mo mang makita ang bibig kong nakangiti
Sa totoo niyan, may damdamin din akong itinatago
Mula rito, dito na nagsimula
Ang pagkukulang sayo'y napuna

Maliliit na detalye ay alam sayo
Mga kwentong bata alam na alam ko
Luha, Tuwa at Galit
Teka wala namang mapilit

Sa lahat ng ito, mayroong tumatak sa aking isipan
Mga salitang iyong binitawan

"Ikaw ang nagsilbing liwanag sa aking kadiliman.
Tanglaw sa dilim na di ko akalaing makakawala kailanman"

At muli humikbi ang nagiisa
Muling hinihiling na makita ka
Nais lamang magkaroon ng kurba sa labi
Mga kurbang nagpapakita ng ngiti

Ang nag-iisa'y napakita na lamang sa kisame
Naghahanap ng tama sa lahat ng pagkakamali
Ninanais na ang ingay na maririnig
Isang taong lalapit at mananatili

Ang yabag ng paa ay nakakakaba
Ngunit sa paglapit ay yayakapin ka
Tahan na ang paghikbi
Bulong nito ng may kasama ng ngiti

Sa wakas ay nariyan na siya
Ang liwanag na pupunan nang nawala sakanya
Siya na nga ang tanglaw sa kanyang kalooban
Liwanag na hindi lamang hangang mitsa.



Tugma SalitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon