Kaganapan
Mula sa araw na kinahihintay ng lahat
Hindi ko aakalaing mapupuno ito ng saya at gulat
Puno ng ngiti, di aakalaing abot langitSa pinto, ako'y pumasok
Ni isa, ay hindi nagtatago sa isang sulok
Makikita mo rin ang ilaw na nagnining ning
Tila naging bituin, tanglaw sa dilimAng lente ng kamera, nakakasilaw
Tila tinatawag ako, magpakuha ng litrato
Upang maalala ang pangyayaring ito
Isang mementoSa aking paglinga, maraming mukha ang nakita
Isang malungkot, isa nama'y masaya
Galit, iyak,nasaktan at tuwa
Mga emosyong nakaguhit sa pisaraIsang tinig naman ang narinig ng aking tenga
Habang tumagal ay nadaragdagan ng paisa-isa
Do, Re Mi... ang liriko
Fa, Sol, La .. mayroong tonoNakakaindak na kanta, nakisabay ang sayaw
Talentado ang lahat.Pack! Tunog ng bola
May naglalaro pala ng volleyball.Masaya ang lahat.
At sa muli ang tinta't pluma ay lumapat.
BINABASA MO ANG
Tugma Salita
PoetryMuli nating tunghayan ang iba't ibang tula na hango sa iba't ibang perpektibo. *Bawat nararamdaman, nakikita, naririnig ay magiging salitang may nais sabihin at iparating* Tandaan mo sa lahat ng ito Ang salita kong pangako.