Alon
Sa pag-agos ng tubig
Ang ingay nito'y baging himig
Ang simoy naman ng hangin
Tila nanatiling yumayakap at tahimikSa aking pagtapak sa buhangi
Ang dagat ay sisisirin
Hanggang sa malayo na ang aking tinatahak
At malalim na ang lalangoyinHindi ko man matansiya ang lalim nito
Malulunod ako dito, sigurado
Dahan dahang pumapailalim sa tubig
Hangang tumigil ang pusong pumipintigAng araw ay mamasdan na lamang ang alon
Sayaw ng tubig dagat,sa alin sunod
Hindi na aasahan ang sinimang liligtas
Siguro dito na ako magwawakasBiglang hagilap ng aking katawan
Isang lalaking nakita ang aking kinakalagyan
Kay lalim na ng aking ibinagsak
Wala na ang sikat ng araw na sumisinagDali-dali ang paglangoy ng humagilap
Kasama ang katawan kong ubos ang hininga
Ililigtas kita, buong lakas niya
Aahon tayo sa dalampasigan at sana'y mabuhay ka.
BINABASA MO ANG
Tugma Salita
PoetryMuli nating tunghayan ang iba't ibang tula na hango sa iba't ibang perpektibo. *Bawat nararamdaman, nakikita, naririnig ay magiging salitang may nais sabihin at iparating* Tandaan mo sa lahat ng ito Ang salita kong pangako.