Paglaya
Kay tagal ko nang nakakulong
Sa isang kwartong may apat na sulok
Sa isipang paikot ikot na lamang
At sa wakas ako'y muling makakalayaTanaw ko na muli ang sinag ng araw
Ang liwanag nito'y kay ganda
Ang himpapawid ay bughaw
Gayundin ang linis ng dalampasiganTanging masasabi ko na lamang
Ito ang magandang paglaya.Hindi ang sinasabi nila na maaari mo nang gawin ang iyong gusto
Hindi rin ang pansamantalang kaligayahan na inaakala mo'y tapos na ang lahat
Ito ay ang paglaya muna sa gulo na sinasabi mong walang katapusan
Ang paglaya nang magaan ang iyong kalooban.
BINABASA MO ANG
Tugma Salita
PoesieMuli nating tunghayan ang iba't ibang tula na hango sa iba't ibang perpektibo. *Bawat nararamdaman, nakikita, naririnig ay magiging salitang may nais sabihin at iparating* Tandaan mo sa lahat ng ito Ang salita kong pangako.