PROLOGUE

12 0 0
                                    

"Please huwag mo naman akong iwan"

"Please huwag ka ng bumalik doon, dito ka na lang....

Dito ka na lang kasi kailangan kita, dito ka na lang kasi mahal kita"

Sunod-sunod kong sabi sa kanya habang nakatingin sa mata at umiiyak.

Habang sinasabi ko ang mga katagang yan ay napapaisip ako.

Bakit kailangan pang umalis? Bakit kailangan pang mang-iwan? Bakit sa tuwing mag mamahal ang isang tao lagi na lang iniiwan? Bakit kailangan masaktan yung mga taong nagmamahal?

Bakit kailangan masaktan ako ng ganito?

Patuloy pa din ang aking pag-iyak habang nakatingin sa kanyang mga mata, kulang na lang ay lumuhod ako para hindi siya umalis, para hindi niya ako iwan pero wala pa din. Wala pa ding emosyon sa kanyang mukha samantalang ako ito iyak ng iyak.

Lumipas ang ilang minuto at siya'y biglang nag salita.

"Pasensya na kung maiiwan kita"

Malungkot niyang sabi sa akin.

"Sorry? Sorry kasi iiwan mo na ako? Sorry kasi aalis ka na?"

Tuloy pa din ang aking pag iyak habang sinasambit ko ito.

"Para din ito sayo"

Sa puntong ito ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit at nag mamakaawa na huwag na siyang umalis. Tanging boses ko lang ang naririnig sa lugar kung saan siya namamaalam. Wala akong ibang magawa kung hindi ang yakapin siya ng mahigpit dahil alam kong ito na ang huling beses na mahahawakan, mayayakap, makakausap at huling beses ko siyang makikita.

Pumikit ako saglit at ipinagdasal na sana panaginip lang lahat ng ito, na sana wag na siyang kunin sa akin, na sana maayos na ang lahat. Pero habang nakapikit ako ay unti-unti na siyang nawawala at ang huling salita lang na aking narinig ay......

"Pasensya, paalam"

[A/N: sorry for the typographical and grammatical errors]

My ProtectorWhere stories live. Discover now