CHAPTER 2

3 0 0
                                    

Northville University



Ven's POV



"Nandito na tayo" Sabi ni kuya sabay hinto ng sasakyan.


Lumabas kaming dalawa sa kotse at napatingin sa isang malaking paaralan.



Ang Northville University...


Ang laki ng school na to kumpara sa ibang school na napasukan ko na.

"Ang laki pala talaga ng school na to" sabi ko habang nakatingin doon.

Napabuntong hininga si kuya.

"Dyan ako galing, dyan din ako maraming memories"


"Dyan mo nakilala ex mo diba?" Pagtatanong ko sa kanya.


"Yes" matipid na sagot niya sakin.

"Kamusta na pala yun?"


"Hindi ko alam"


"Eh? Hindi na kayo nag-uusap?"

"Hindi na"


"Bakit naman?"


"Kinalimutan na namin yung isa't-isa"

"Nakalimutan na nga ba?"


"Alam mo mausisa ka. Pumasok ka na, wag ka ng masyadong matanong" pagsusungit niya sakin.


"Okay, fine"


"Ingat ka mamaya pag uwi mo"

"Ikaw din kuya ingat ka"

"Goodluck" Sabi niya sabay tapik sa balikat ko.

Tumango na lang ako at nagpasalamat sa sinabi niya.


Napabuntong hininga ako bago pumasok sa school na to. Hindi ko alam kung anong mangyayari pero parang nakakaba na ewan. Siguro dahil sa bago lang ako dito kaya ako ganito.


"Good morning" Bungad sakin ng guard ng school.


"Good morning din" Bati ko sa kanya.

"Ay ang sungit" bulong ng guard na akala niya hindi ko narinig.

Hinayaan ko na lang at nagpatuloy sa paglalakad. Nang makapasok ako sa loob hinanap ko agad kung anong building ako at kung saan ako naka room. Nilabas ko ang registration form ko at tinignan ang building number at room number.

Building A, room 201 section BTVTed 1A
BTVTed means Bachelor of Technical Vocational Teacher Education. Kaya yan kinuha kong course ay dahil nga sa magteteacher ako at pwede din ako mag trabaho sa mga hotel dahil ang lawak ng course na pinasok ko. Ang major ko ay Food Service Management so pwede talaga ako pumasok sa ibang trabaho kung ayaw ko mag teacher.


Habang naglalakad ako ay nakikita kong pinagtitinginan ako ng mga stupidyante dito. Ngayon lang yata sila nakakita ng maganda.

Patuloy pa din ako sa paglalakad hanggang sa hindi ko na mahanap yung building kung saan ako papasok.

Jusko ano ba to? Sobrang laki naman ng school na to at hindi ko mahanap yung building at room na papasukan ko.


Lumapit ako sa isang estudyante at nagtanong kung saan yung building A, ilang segundo bago siya sumagot dahil nakatitig lang siya sakin. Ano ba tong student na to lutang na lutang, nakulangan yata sa bakasyon to eh.


My ProtectorWhere stories live. Discover now