CHAPTER 3

0 0 1
                                    

EX-FRIEND


Ven's POV




Nag dismiss na ng klase ngayon, maaga kami ngayon dahil ilang subject lang naman yung nasa schedule namin.




Pumunta muna ako sa restroom ng building na to para makapag ayos ng sarili, uuwi na din ako para makapagpahinga or mag chill muna siguro ako sa isang bar dahil nakakastress itong araw na ito hindi nakakastress mag-aral at makinig sa prof ang nakakastress ay yung mga kaklase kong hindi ko ma feel at doon sa isa kong kaklase na sana hindi ko na lang naging kaklase.




Pagpasok ko ng restroom ay agad akong tumungo sa harap ng salamin para makapag-ayos. Hays ang ganda ko pa din kahit stress ako.




Naglagay lang ako ng lipgloss and powder para fresh pa din hanggang sa pag uwi. Maglalakad na sana ako palabas ng cr ng biglang may lumabas na isang babae sa isang cubicle. Ito yung babaeng kanina ko pa tinitignan sa room. Tinignan niya lang ako pero binawi niya din ito.



"Dito ka din pala nag-aaral" Sabi niya sakin habang nakatingin sa salamin.



"So?" Sagot ko sa kanya.



Ngumisi lang siya at tumingin sakin.




"Salbahe ka pa din pala, hindi ka pa din nagbabago" Sabi niya sakin.




"Kate kung wala kang magandang sasabihin manahimik ka na lang"




Sabi ko sa kanya sabay lakad paalis pero bago pa man ako makalabas ay nagsalita siya.




"Ayokong makita ka"




Nagulat ako sa sinabi niya.




"Ano ibig mong sabihin?"




"Ayokong makita ka dito at makasama ka sa iisang school"




"Wow, eh ano gusto mong gawin ko lumipat ako?" Tanong ko sa kanya.





"Oo lumipat ka"





"Kate wala akong ginagawa sayo. Anong gusto mo ako mag adjust sayo?"





"Oo ikaw mag adjust"




"Bakit ako?"





"Ikaw ang mag adjust satin dahil hindi ko naman alam na dito ka mag-aaral eh. Kung alam ko lang ng mas maaga edi sana hindi ako dito pumasok" Malamig na sabi niya sakin.






"Edi ikaw ang umalis"






"Pwede ba ven, ayoko ng makita ka"





"Tss. Hindi ka pa din ba maka move on sa nangyari dati?" Tanong ko sa kanya habang nakataas yung isang kilay.




"Wal-" Pagputol ko sa sasabihin niya.




"Kung ayaw mo kong makita, mas ayokong makita pagmumukha mo" sabi ko sa kanya sabay alis.




Kate Montes is my ex friend, laki yata ng galit nun sakin dahil sa nangyari sa amin dati pero wala pa din akong pake dahil hindi ko naman kasalanan yun.




Lumabas na ako ng cr at agad ng umalis. Nakakainis talaga tong araw na to, wala ng magandang nangyari.




Nag desisyon muna ako na pumunta sa isang bar para magtanggal ng stress ngayong araw na ito. Pagpasok ko sa bar ay bumungad sakin ang isang maingay na tugtog at mga taong nag sasayawan na amoy alak. Pumunta ako sa may bartender at nag order ng beer.



My ProtectorWhere stories live. Discover now