CHAPTER 1

8 1 0
                                    

The Beginning



Ven's POV



*RIIIIIIIIIIIIINNNGGGGGG*



"Letse! Ano yun? Fire truck?" Gulat kong sabi sabay tayo sa higaan ko.



Sh*t -,-


Alarm clock lang pala-,-


It's already 6:00 am in the morning at syempre wala ng bago dun. First day of school at kailangan ko na naman pumasok ng maaga. Hindi ko man lang na sulit yung bakasyon. At ito pa ang nakaka stress college student na ako ngayon like what the hell seryoso na ba to? Final na to? Wala ng grade 13? Charot nakakasawa na din naman sa high school eh. Pero nakakastress daw talaga sa college, ay ewan ko ba wag na lang kaya ako mag-aral? Syempre charot lang ulit baka patayin ako ng magulang ko.


By the way, I'm Heaven Samonte, Ven for short and I'm 17 years old. A college student taking a course of Education. I study in northville university. Oo tama kayo education nga kinuha ko, hindi ko din alam kung ano maituturo ko sa mga estudyante ko eh isa din naman akong pasaway na estudyante, pero malay niyo bumait ako. Charot lang boring maging mabait.

Tuluyan na akong tumayo at hinanda ang mga susuotin at mga gamit ko and I need to take a bath. Bakit kasi ang aga ng klase ko diba? Aish buhay estudyante nga naman. Minsan gugustuhin ko na lang talaga maging tambay. Charot lang syempre bugbugin ako ng magulang ko.



*After 30 minutes*




Oppss haha 30 minutes talaga ako maligo, 10 minutes shampoo, 10 minutes sabon tapos 10 minutes sa toothbrush. Haha ganun ang ligo.


Pagkatapos kong maligo ay agad akong nag ayos para makapasok na din ako agad, mahirap na baka malate ako.

I wear my uniform and I put a lipgloss in my lips. Yes I only use a lipgloss para natural lang tsaka hindi naman ako nagmamake up masyado, powder and lipgloss lang okay na maganda naman na ako.

Matapos kong mag ayos ay agad akong bumaba para pumunta sa Dining area.

I saw my mom and dad eating their breakfast. Lumapit ako at binati sila.

"Goodmorning ma, pa" bungad ko sa kanila.

"Good morning darling" pagbati din sakin ni mama.


Tahimik lang kaming kumain, hanggang sa basagin ni papa ang katahimikan.

"How's your vacation? Is it good? Or maybe bitin ka na naman" tanong sakin ni papa.

Ang sungit niya na naman-,-

"Okay lang naman pa" sagot ko sa kanya.

"Ang sabihin mo bitin ka sa bakasyon mo" napatingin ako sa biglang nagsalita.


Aish. Epal.


"Kailan ka pa tinuruan sumabat sa usapan?" Pagtataray ko sa kanya.

"Wow naman ang taray"

"Alam mo kuya kung-" naputol ako ng biglang magsalita si papa.


"Manahimik kayo, nasa harapan tayo ng hapagkainan" sabi ni papa sa amin.

"Ito kasing si heaven nagtataray na naman pa" sabi ni kuya haxen habang nakatingin sakin.

"Ikaw kasi nauna"

"Sit down haxen, kumain ka na" Pag awat sa amin ni mama.

Wala na siyang nagawa at umupo na lang para kumain.

My ProtectorWhere stories live. Discover now