New Home
Ven's POV
Nakarating na kami ni kuya sa bahay nina nathalie at pagbaba namin ay tumingin siya sa paligid at sa bahay na nasa harapan namin.
"Kaninong bahay to?" Tanong niya habang nakatingin pa din sa bahay.
"Bahay ng kaklase ko"
"Mapagkakatiwalaan ba?" Tanong niya ulit.
"Yeah, mukha namang mapagkakatiwalaan"
"Dito ka ba tutuloy?"
"Hindi. Siya lang tutulong sa akin maghanap ng ibang matutuluyan"
"Seryoso ka na ba dito?"
"Oo naman, gusto ko din tumayo sa sarili kong mga paa"
"Tutulungan kita, wag ka magalala"
Pagkasabi niya nun ay napatingin ako sa kanya at huminga ng malalim. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit hindi nila ako tunay na pamilya willing pa din sila na tulungan ako.
"Veeeeeen!" Isang babae ang sumigaw mula sa loob ng bahay.
Napalingon kami dito at nakita ko si nathalie na papunta sa gate para pagbuksan kami. Nakita ko sa kanya ang ngiti na lagi niyang ginagawa sa tuwing makikita ako o haharap sa akin.
"Bakit hindi man lang kayo nag doorbell para mapagbuksan kayo agad? Kanina pa ba kayo dito? Kumain na ba kayo? Pasok muna kayo dali" sunod-sunod niyang tanong sa amin.
"Kakarating lang din namin dito" sabi ni kuya sa kanya.
"Nga pala nath kuya ko. Siya si kuya haxen" pagpapakilala ko sa kuya ko.
"Ah hello po, ako po si nathalie" sabay alok ni nathalie ng kamay niya.
Inabot naman to ni kuya at ngumiti.
"Pasok muna kayo" sabi ni nath sa amin.
Pumasok kami sa bahay nila nath, at si kuya na parang hindi mapakali ay tingin ng tingin sa loob ng bahay. Maganda ang bahay nila nath, hindi masyadong malaki at hindi din naman maliit.
"Upo muna kayo magpapahanda ako ng makakain niyo"
"Ah wag na, hinatid ko lang kapatid ko para ma sure kung safe siya sa lilipatan niya" tugon ni kuya haxen.
"Don't worry po, hahanap kami ng malilipatan niya na magiging safe siya o kung wala pa kaming mahanap pwede naman siya dito mag stay hanggang sa makahanap kami ng apartment niya" sabi ni nath kay kuya.
"Sabihin niyo na lang sa akin kung ano kailangan niyo, tutulungan ko kayo. Pero sa ngayon kailangan ko munang umalis para pumasok sa trabaho" sabi ni kuya sa amin.
"Sige ingat ka." Tipid kong sabi sa kanya.
Tinapik niya lang balikat ko at tumalikod na sa amin. Pero bago siya makalabas ng pinto ay nagsalita ako dahilan para siya ay mapahinto.
"Salamat" sabi ko.
Lumingon siya at binigyan ako ng matamlay na ngiti. Lumabas na siya at tuluyan ng umalis ng bahay nina nath.
"Ven..."
Napalingon ako kay nath na nakatingin pala sa akin.
"Ayaw mo ba dito?" Tanong niya sa akin.
"Ha? Eh nakakahiya tsaka mas okay kung mag rent na lang ako kahit sa maliit na apart..."
"Dito ka na lang muna, samahan mo na lang ako dito, ako lang magisa dito kasama ko lang mga maid tsaka welcome ka naman dito same school lang din tayo para hindi ka na din mahirapan muna maghanap ng mauupahan" Tuloy tuloy niyang sabi sa akin.
"Nath, nakakahiya na. Tinulungan mo na ako kagabi, pinatuloy mo ko dito sa inyo ng hindi ko alam tapos ngayon tinutulungan mo ko."
"Ano naman? Kaibigan na turing ko sayo, ewan ko ba kung bakit ang gaan ng loob ko sayo una palang." Sabi niya sa akin.
Bakit nga ba sobrang bait nito sa akin? Eh nakita naman nila kung ano ginawa ko doon sa mga lalaki sa room namin na gusto akong ibully. Pinaupo ako ni nathalie sa sofa nila at pumunta sa kusina para kumuha ng makakain. Lumabas din siya agad na may dalang juice at slice ng cake.
"Ano ba kasing nangyari? Bakit ka lumayas sa inyo? Mukha namang mabait kuya mo, kanino ka may problema? Sa magulang niyo ba? Sunod-sunod na tanong niya sa akin.
"Ampon ako"
"Uhmmm... Sorry hindi ko alam sana hindi na ako nagtanong" at bigla na siyang tumahimik.
"Ayos lang yon"
"Dito ka na lang hanggang sa makahanap tayo ng lilipatan mo, wag ka na mahiya sa akin o sa parents ko kasi iniwan nga nila ako magisa dito at pumunta sa ibang bansa dahil sa business nila" Malungkot niyang sabi.
"Ah eh kaya ba ikaw lang magisa dito?"
Tumango lang siya.
"Sige dito muna ako pansamantala"
Lumingon siya sa akin ang ngumiti. Ang saya niya nung sinabi kong dito muna ako tutuloy sa bahay nila. Siguro nalulungkot to dahil siya lang magisa. May kwento din pala to, may drama din pala sa buhay.
Kinuha niya mga gamit na dala ko at dinala niya ako sa isang kwarto and I think this is a guestroom. Sabi niya na ito ang magiging kwarto ko habang nandito ako sa kanila, wala naman daw natutulog doon. Yung kwartong binigay niya sa akin may kalakihan may sarili na ding banyo. Maganda naman bahay nila kaya lang siya lang ang nakatira at mga maid niya, may pool din sila at maraming kwarto. Medyo malungkot lang kasi siya lang nandito at walang masyadong nakakausap, kaya siguro siya nasa bar nung nakaraang araw kasi wala namang naghihintay sa kanya dito sa bahay.
Nagkwentuhan kami about sa mga sarili namin, may similarities kaming dalawa. Nagkwento siya about sa family niya na mabait daw parents niya at binibigay lahat ng luho kaso umalis naman at iniwan siya dahil nga sa business kaya umalis mga magulang niya, pinapadalhan lang siya ng pera pang gastos, tuition, mga gastusin sa bahay at sa buwan buwan na sahod ng mga maid niya. Wala din silang driver dahil ayaw daw ng mama niya na may lalaki sa bahay dahil babae siya. Halos ikwento niya sakin lahat kung paano siya nakapasok sa school namin at kung paano niya nakilala si dana.
Habang nagkukwento siya ay napapansin ko kung gaano siya kabait at kakulit. Sa tuwing magsasalita siya nakangiti at nakatawa siya, palabiro din pero makikita mo yung lungkot sa mata niya siguro dahil nga sa kalagayan niya ngayon. Matagal na din silang nagaaral don sa school na yon kaya ang dami na nilang alam, ako kasi transfer lang nakipagaway pa agad.
Hindi ko alam pero nagtataka ako sa sarili ko bakit nagtitiwala na ako agad sa kanya, ang gaan sa loob parang gusto ko siya kaibiganin pero nahahadlangan dahil naiisip ko at nagfaflashback pa din sa akin yung nangyari sa amin ng matalik kong kaibigan. Simula ng masira kami ng kaibigan ko ay sinabi ko na sa sarili ko na hindi na ako makikipagkaibigan sa iba at mas pipiliin kong magisa pero bakit ganito nararamdaman ko ngayon? Lumalambot puso ko pag si nath na nakakausap ko. Siguro dahil sa mabait siya at madaldal.
Ilang oras ang lumipas at biglang may kumatok sa pinto ng kwarto.
"Ma'am nathalie, nakahanda na po ang tanghalian" sabi ng isang maid.
"Sige baba na kami" sabi ni nath.
"Tara?" Pag aaya niya sa akin.
Tumango ako ng nakangiti.
Patayo na ako ng bigla siyang nagsalita.
"Ven, ngayon lang kita nakitang ngumiti ng ganyan"
"Ha?"
"Hahaha wala baliw. Don't mind me na lang" sabi niya sabay tayo at binuksan ang pinto.
Hindi ko din alam nath kung bakit. Pero siguro gusto kong kaibiganin ka din tulad ng ginagawa mo ngayon at sa pinaparamdam mo sa akin. Gusto ko magpasalamat sayo pero nahihiya ako magsalita at hindi ko alam kung bakit.
Kailangan kong mag adjust ngayon lalo na at tatayo na ako sa sarili kong mga paa, kailangan ko ding maghanap ng trabaho para makapagaral ako at mabuhay ko sarili ko hindi naman pwedeng lagi akong nakaasa sa pamilya ko. Sa pekeng pamilya ko.
YOU ARE READING
My Protector
Teen FictionA woman named Ven is a bad girl that can control anything. Kaya niyang makuha ang lahat ng gusto niya sa pamamagitan ng pera. "Being an Independent is a choice, and I think it's a nice decision" Sabi niya sa kanyang sarili. But what if may biglang...