CHAPTER 4

5 0 0
                                    

Revealing the Truth

Ven's POV

Nanlulumo at nanghihina akong pumasok sa kwarto habang naguusap sila.

"M-ma?"

Gulat silang napatingin sakin.

"V-ven anak" sabi ni mama habang nanlalaki ang mata ng makita ako.

"V-ven a-akala ko mamaya ka pa makakauwi sana sinabihan mo ko para na sundo kita" Sabi sakin ni kuya Haxen.

Tinignan ko lang si kuya sa mata habang nangigilid na ang mga luha ko. Tinignan niya lang din ako sa mata at hindi na nakapagsalita.

"Ven kung ano man yung narinig mo hindi yun totoo" Sabi ni papa

"Anong hindi totoo? Narinig ko na lahat, ano ba? Wag na kayo mag sinungaling" At nag-umpisa ng tumulo ang mga luha.

"Anak maniwala ka samin, wala lang lahat yun. Hindi totoo yun" Nilapita ako ni mama at hinawakan niya ang kamay ko.

"ANO BA MA, PA!? BAKIT NAG SISINUNGALING PA DIN KAYO? ALAM KO NA LAHAT, NARINIG KO NA LAHAT PERO BAKIT YAN PA DIN SINASABI NIYO!?" Pasigaw kong sabi sa kanila habang umiiyak.

"Ven hayaan mo muna kaming mag explain" Sabi ni kuya sakin sabay hawak sa balikat ko.

Tinabig ko yun at humarap sa kanya.

"NO! BITAWAN MO KO! BITAWAN NIYO KO! EXPLAIN? EXPLAIN!? NARIRINIG MO BA YANG SINASABI MO HA? ANO AKO? TANGA? TANGA NA MAKIKINIG PA SA MGA KASINUNGALINGAN NIYO"

"Anak makinig ka na muna" sabi ni mama.

"Ma tama na po, ayoko ng makinig sa inyo" pagkasabi ko nito ay agad akong tumakbo palabas ng kwarto hanggang sa lumabas na din ako ng bahay.

Hindi ko alam kung saan na ako napupunta sa ginagawa ko. Puro lang ako takbo habang umiiyak at wala na din akong masyadong makita dahil sa pagiyak ko. Hindi ako tumigil sa pag takbo kahit hindi ko na alam kung nasaan na ba ako ang tanginh nasa isip ko lang ay ang makalayo sa kanila at hindi na muna nila ako makita.

Hindi ko alam pero ang hirap tanggapin na hindi pala ako tunay na anak at galing pa mismo sa kanila yung mga salitang yun hindi ko inaasahan tong mga bagay na ito. Ang buong akala ko kadugo ko sila, ang buong akala ko pamilya ko talaga sila. Naniwala lang pala ako sa isang kasinungalingan, nagpaniwala ako sa mga nakikita ko na akala ko sila talaga yung pamilya ko. Ang sakit lang isipin na hindi pala ako parte ng pamilya na kinalakihan ko. Sana man lang maaga pa lang sinabi na nila sakin lahat para mas natanggap ko ng mas maaga, sana hindi na nila ako pinaniwala sa mga kasinungalingan kasi ang sakit sa part ko. Ang tagal na eh, sobrang tagal na nila akong niloloko at pinapaniwala sa isang kasinungalingan. Ngayon na nalaman ko na lahat hindi ko alam kung saan ako pupunta, hindi ko alam kung ano na mangyayari sakin basta ang gusto ko lang mangyari ngayon ay ang hindi muna sila makita at gusto kong mapag-isa para makapagisip.

Habang tumatakbo ako ay hindi ko na namamalayan na may paparating na palang sasakyan at......

*BEEEEEEEEEEEEEP*

Pagkarinig ko nun ay napapikit na lang ako dahil ito na lang ang tanging naisip ko at baka ito na din ang katapusan ko.

Isa na lang ang naiisip ko ngayon.....

Ang mamamatay na ako.

Pero mukhang mali ako

Pag dilat ko ay nagulat ako dahil wala na ako sa harapan ng sasakyan kanina na muntikan ng sumagasa sakin. Nasa gilid na ako ng kalsada at may isang lalaki na nakayakap sakin. Hindi ko alam kung sino ito pero sobrang misteryoso niya para sakin.

My ProtectorWhere stories live. Discover now