CHAPTER 5

5 0 0
                                    

Being Independent






Ven's POV

Nagising akong nagtataka sa mga nakikita ko dahil hindi familiar sakin yung mga nakikita ko sa paligid ko, hindi ito yung kwarto ko at hindi ito yung bahay namin.

Sh*t nasaan ako!???????????

Napatayo ako bigla sa kinahihigaan ko at tumingin sa paligid ko pero may isang babaeng pumasok sa kwarto at ngumiti sakin.

"Kamusta pakiramdam mo?" Tanong sakin ni nathalie.

"N-nasaan ako?" Tanong ko habang nagtataka pa din kung nasaan ba talaga ako.

"Nandito ka sa bahay namin" Sagot sakin ni Nathalie

"P-paano ako napunta dito?"

"Wala kang maalala sa nangyari sayo?"



Pagkasabi niya sakin niyan ay agad akong napaisip. Ano nga ba nangyari sakin? Inisip kong mabuti lahat ng pangyayari sakin kahapon.


"Nung umalis ka galing bar, saan ka na nagpunta nun?" Tanong sakin ni Nathalie.

"U-umuwi na ako sa amin, p-pero..."

"Pero ano?"

"Pero may nangyari" sabi ko sa kanya habang nakayuko.



Naalala ko na yung nangyari sakin pati sa pamilya ko kahapon, pero teka hindi ko nga pala sila tunay na pamilya.



"Naalala mo na ba kung ano nangyari sayo?"

"Oo naalala ko na"

"Eh yung lalaki ba naalala mo?"

Napatingin ako sa kanya ng itanong niya yun sakin.

"Lalaki?"

"Oo yung lalaking kasama mo sa kalsada kagabi. Do you know him ven?"

"No? I don't know him. Hindi ko alam kung sino yun"

"Pero naalala mo na siya"

"Yes" matipid kong sagot.

"That's good. Uhmm, kung okay ka na baba ka na kain na tayo. Dito ka na mag breakfast" sabay ngiti niya sakin.

"Wag na nath, thank you na lang. Pinatuloy mo na nga ako dito tapos pakakainin mo pa ako"

"Sus wag ka na mahiya, magkaklase tayo at kaibigan na din kita"

"But I need to go, may kailangan pa akong asikasuhin" sabi ko sa kanya.

"Okay? But are you sure? Are you okay?" She asked.

"Yes, I'm fine. Thank you"

Kumilos na agad ako at umalis dahil may importante pa akong gagawin. Hindi na din ako nanghiram ng damit o naligo man lang kina nathalie dahil sa nakakahiya na at ayoko na din maka istorbo. Sabihin na nating ang dugyot ng hindi naligo aish-,-.


Nagpaalam na ako sa kanya at agad na umalis ng bahay nila. Kung saan saan na pala ako nakarating kagabi, ano ba ginawa ko kagabi? Tumakbo? Naglakad? Aish hindi ko na matandaan basta napunta ako dito ng hindi ko namamalayan. Sa village din pala nakatira tong si nathalie, mukhang mayaman pamilya niya at napansin ko lang kanina na parang wala mama at papa niya at magisa lang siyang kakain, kaya siguro inaya niya din ako kumain kasi baka wala siyang kasabay.

Habang naglalakad ako ay nakakita ako ng isang trycicle at pinara ko yun para sumakay. May dala pa naman akong pera dito at magkano lang naman pamasahe sa trycicle. Medyo malapit lang din village namin dito pero sumakay na ako kasi nanghihina pa din ako hanggang ngayon, baka kasi dahil sa hangover pero mas nakakapanghina yung mga nalaman ko kagabi. Pinara ko na yung trycicle at hindi ako nagpababa sa mismong tapat ng bahay namin dahil masyadong maingay ang trycicle tsaka baka kung ano pa masabi ng mga kapitbahay namin.

My ProtectorWhere stories live. Discover now