Chapter 2

96 46 0
                                    

Candice's POV.

Pagkarating namin sa canteen humiwalay na sa amin si Jackson. Nanduon na kasi raw yung mga astig niyang kaibigan pero bago pa siya humiwalay hinalikan niya si Zephorra sa ulo at hinalikan niya naman si Abbigail sa kamay. Naghiyawan ang mga kasama ko lalo na si Mj na animoy kinikilig.

Dumiretso ako sa linya kasama si Mj para um-order. Sina Zephorra, Franchesca, Abbigail, at Brittany naman ay dumiretso sa bakanteng mesa't upuan. Habang nasa linya kami hindi ko maiwasang pagmasdan si Abbigail na walang reaction na nakaupo sa upuan. Wala ba siya sa mood? O sadyang ayaw niya lang na may kausap? Palaging pumapasok sa isip ang mga tanong na yan kaya naman tinanong ko na yung kapatid niya.

“Mj,” tawag ko nito. Nilingon niya naman ako.

“Ano yun Candice?” nakangiting tanong niya.

Tungkol sa kapatid mo,” sagot ko habang tinuturo si Abbigail. Tiningnan niya naman ito.

“Anong tungkol sa kanya?” tanong niya muli.

Bakit parang,” tumigil ako sandali. Bakit parang hindi nakisama yung kapatid mo sa mga kasama natin? Hindi naman sa pinag-iisipan ko siya ng masama pero hindi ko lang maiwasang magtaka. Magkamukhang-mukha kayo pero ang dami niyong pinag-iba sa isa't-isa eh.” at last na sabi ko na. I hope she doesn't get me wrong, though.

Sandaling nangingibabaw ang nakakabinging katahimikan sa pagitan namin tsaka siya bumuntong-hininga. “Hindi ganyan yang ugali niya dati,” tiningnan niya yung kapatid niyang wala paring reaction hanggang ngayon. Ever since her bestfriend betrayed her ay hindi na siya masyadong nagtitiwala sa mga tao or in other words ayaw na niyang makipagclose o makipagkaibigan kaya nga masasabi mo talaga na hindi siya nakikisama.” malungkot sa dagdag niya.

Hindi ako nakasagot agad. Hindi ko akalaing yun pala ang dahilan niya. Magsasalita na sana ako ngunit nandito na kami sa counter kaya naman tumahimik nalang ako at nag-order.

Abbigail's POV.

Habang hinihintay sina Mj at Candice na nag-order, ramdam na ramdam ko yung mga titig ng kasamahan ko sa akin.

Tiningnan ko sila at puno nang pag-alala ang reaksyon nila. I smiled at them and asked, “Ayos lang kayo?”

Walang sumagot sa kanila kaya napailing nalang ako. Sakto namang dumating sila Mj dala yung pagkain namin kaya nagsimula na kaming kumain.

Tahimik lang akong kumakain habang sila naman ay nagtatawanan. Ayaw ko sana talagang sumabay kumain sa kanila pero kasama nila si Mj eh. Mas gusto ko pang kumain mag-isa kesa sumabay sa ibang tao pero ayun nga, nandito na ako, napilit ng kapatid, tss.

TiwalaWhere stories live. Discover now