"Ughhh! Shtt! Hang over!" ang sakit ng ulo ko.
Agad akong napabangon at napahawak sa sariling ulo.
"Ayos kalang ba, love?" nanlaki ang mga mata ko nang makita si Anthony na nakahiga sa tabi ko.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Tatawagin sana kita."
"Kanina ka pa ba nandito?" tanong ko at sinagot niya naman ako ng tango. "Ba't hindi mo ako ginising? Ugh!" napahawak ulit ako sa aking ulo ng bigla iyong sumakit.
Agad namang bumangon si Anthony at niyakap ako tsaka hinalikan ako sa ulo dahilan para hindi ko maisip yung sakit. "Ayan, masakit paba?" tanong niya na sinagot ko lang ng ngiti.
Niyakap ko siya pabalik. "Kanina ka pa ba dito? Bakit hindi mo ako ginising?"
"Nawala sa isip ko eh." kumunot naman yung nuo ko at mahinang napatawa. "Pinagmasdan ko kasi yung maganda at maamo mong mukha."
"Sige, mambola kapa!"
"Hindi naman ako nambola eh. Totoo naman yung sinabi ko. Kaya nga mahal na mahal kita eh." Kumala ako sa yakap at masama siyang tiningnan. "Bakit ka masamang nakatingin sa akin? May nasabi ba akong hindi maganda?" nag-aalalang tanong nito.
"Kaya ba mahal mo ako dahil nagagandahan ka lang sa akin?"
Agad naman itong umiling at hinawakan ang aking kamay at mahina iyong pinisil. "Ano ka ba naman, love. Wag ka ngang mag-isip ng ganyan, mag-aalala ako eh. Hindi lang naman dahil maganda ka, kaya kita mahal noh!"
"Kung hindi iyon, ano?" nakanguso kong tanong.
Nagpakawala ito ng buntong-hininga sabay kamot sa ulo. "Sa totoo lang, hindi ko alam." ngumiti siya sa akin. "Nagising lang ako isang araw at nalaman kong mahal na pala kita at hindi ko kayang mawala kapa ulit sakin." sandali itong tumigil at niyakap ako. "Kasi alam mo? Nung mga panahong nawala ka sakin, nawalan nadin ako nang dahilan para ipagpatuloy ang buhay. Nung mga panahong iyon, napaisip nga ako na sana ako nalang yung nasa kalagayan mo, na sana ako nalang yung nasasaktan at naghihirap. Dahil nung mga panahong iyon, hindi ko na alam yung gagawin ko. Napaisip nga ako nun eh na ang gago ko dahil sinaktan kita. Na ang tanga ko kasi hindi kita nabantayan, at ang wala kong kwentang tao dahil pinakawalan kita at wala man lang akong mabuting nagawa at naibigay sayo. Nung nakikita kitang naghihirap at nasasaktan, napaisip ako na sana tapusin ko nalang yung buhay ko kasi wala akong ibang ibinigay sayo kundi sakit at paghihirap." hinawakan niya yung mga pisngi at pinunasan yung mga luha na umaagos na pala. "Pero alam mo? Nung araw na nagising ka, biglang nawala ang lahat ng mga negatibo sa isipan ko at napalitan iyon ng saya. Ang saya ko nung araw na iyon. Lalong lalo na nung naalala mo ako. Wala akong pakialam nun kahit may sakit kapa, ang importante lang sa akin gising kana. Pinangako ko sa sarili ko nuon na babantayan na kita, aalagan, hinding hindi na sasaktan at hindi na papakawalan pa, kasi kapag mawala kapa sa akin, hindi ko na talaga kayang mabuhay ng masaya dito sa mundo. Kaya nga laking pasalamat ko sa Diyos dahil hindi kapa niya kinuha at pinagaling ka niya. Mahal na mahal kita, Lyn. Mas mahal pa kita kesa pera, mas mahal pa kita kesa mga kaibigan natin, at mas mahal pa kita kesa sarili ko. I love you so much Lyn, more than the stars that gives light to our life."
YOU ARE READING
Tiwala
Teen FictionA twist of lovers. A twist of friendship. A twist of life. Abbigail Lyn's once normal and happy life became the worst battle of emotions because of someone breaking her trust. Someone who she entrusted the key to her heart, betrayed, and hurt her. S...