"Al, mag-agahan na tayo." kumatok si Mj sa pintuan ng silid.
Magkaiba na kami ng silid ngayon. Lumipat ako sa guest room dahil gusto kong mapag-isa, pero hindi ko sinabi kay Mj ang aking dahilan.
"Mamaya na ako, una kana."
Narinig ko yung mga yabag niya paalis. Duon ako bumangon sa pagkahiga at nagtungo sa comfort room duon.
Sumuka ako ng sumuka habang sa wala nang natira. Pagkatapos nun ay nagsipilyo ako dahil ayokong maamoy niya yung baho ng alak.
Ganito ako palagi sa mga nakaraang araw. Tumatakas ako gamit yung sliding door duon sa hating gabi para bumili ng alak. Umiinom ako hanggang sa mapagod at makatulog. Hindi ako sumasabay kay Mj na mag-agahan, minsan nga hindi na ako kumakain. Nawalan ako ng gana sa lahat ng bagay. Nababaliw na ako kakausap sa sarili, at wala na akong ibang iniisip kundi ang magpakalasing dahil gusto kong kalimutan yung sakit na pinadama sa akin ni Anthony.
Humiga ulit ako sa kama tsaka pinikit yung mga mata. Ayaw ko nang umiyak, pero mukhang hanggang salita lang ako dahil nararamdaman ko na naman yung pagbasa ng mga pisngi ko.
Bumangon ulit ako kahit masakit yung ulo ko, tsaka humarap sa salamin. Pinagmasdan ko yung sarili ko, ang pangit ko na tingnan. Sobrang gulo ng buhok ko at halatang halata yung eye bugs ko. Inamoy ko yung sarili ko, ang baho ko na pala. Hindi ko alam kung kelan ako huling naligo.
Pinabayaan ko na pala yung sarili ko. Malapit nang matapos yung summer, at wala akong ibang ginawa maliban sa magkulong sa loob ng silid.
Ayoko na. Pagod na pagod na akong umiyak. Pagod na akong mag-isip ng dahilan kung ba't niya ako iniwan. Pagod na pagod na akong hintayin ang pagbabalik niya. Pagod na pagod na akong magtiwala sa mga taong katulad niya. Ayoko na talaga. Hindi na ako magtitiwala sa mgakatulad niya dahil sa huli, ako lang naman yung masasaktan...
Nagpakawala ako ng malalim na buntong-hininga tsaka pumasok sa banyo upang ayusin yung sarili.
Mag momove-on na tayo self. Kakayanin natin to, kahit mahirap at masakit...
Bumaba na ako at nadatnan ko si Mj na naka upo sa pang-isahang sofa. Tiningnan ko yung dining table, hindi man lang nagalaw yung mga pagkain, kaya lumapit na ako sa kapatid.
"Mj," tawag ko at agad naman itong lumingon.
"Al," niyakap niya ako at pinagmasdan yung suot ko. "May pupuntahan kaba?"
Tumango ako. "Oo, mamaya. Pero kain muna tayo."
"Sige."
Nagsimula na kaming kumain ng agahan. Nang matapos kami ay nagtutulungan na kami sa pagligpit. Siya yong naghuhugas, samantalang ako naman yung naglinis sa mesa.
"Sige Mj, alis na ako. Uuwi din ako mamaya, bago maggabi."
"Saan kaba pupunta? May lakad din ako ngayon, kina Derick. Baka matagalan din ako sa pag-uwi."
YOU ARE READING
Tiwala
Teen FictionA twist of lovers. A twist of friendship. A twist of life. Abbigail Lyn's once normal and happy life became the worst battle of emotions because of someone breaking her trust. Someone who she entrusted the key to her heart, betrayed, and hurt her. S...