Bumalik agad ako sa silid pagkaalis ko sa office ni ma'am.
Saktong pagdating ko sa tapat ng classroom, nasa labas si Mj ng classroom niya habang diretsong nakatingin sa direksyon ko. Tumingin ako sa aking likuran na baka may tao dun, pero wala eh. Kaya ibig sabihin nun na ako ang kanyang tiningnan.
Papasok na sana ako sa silid pero may biglang humawak sa aking braso. Nilingon ko ito, si Mj.
Tiningnan ko yung braso ko na mahigpit niyang hinawakan. “B-bitawan mo ako.” nauutal kong sabi. Masakit na yung braso ko eh. Napadiin na yung koko niya sa aking balat.
Mas hinigpitan niya yung pagkahawak nito. “Al, mag-usap tayo.”
Dahil sa matinding sakit, malakas kong iniwakli yung kamay niya dahilan para matumba ito. Tiningnan ko yung braso ko, namumula iyon at may mga marka galing sa kanyang mga koko sa daliri.
Nagulat ako ng bigla na lamang dumating si Anthony at tinutulungang tumayo si Mj. Letse, sa harapan ko pa talaga eh noh?!
“Ano bang problema mo ha?!” natigilan ako sa biglang pagalit nitong pagsigaw. Kahit ni isang beses, hindi ko pa naranasang masigawan niya. Napaatras ako dahil sa matinding takot, kitang kita ko sa mga mata niya yung galit.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko sa likuran, tiningnan ko kung sino ito. Si Kurt pala.
Pinalibot ko yung paningin ko, andami na palang nakatingin sa amin.
“Bro, hindi sinadya ni Lyn na matumba si Mj.” kalmadong tugon ni Kurt.
“Manahimik ka dahil hindi ikaw ang kinakausap ko!” sigaw ni Anthony.
“Anthony ano ba, walang kasalanan si Lyn!” si Margarette naman ang sumigaw ngayon.
“Walang kasalanan?! Eh kitang-kita nga sa mga mata ko na nang dahil sa kanya kaya natumba si Mj!” si Anthony.
“Natumba lang naman yang si Mj dahil winakli ni Lyn yung kamay niya dahil sa matinding sakit! Stupid!” si Margarette.
“Kayong dalawa ha?!” turo ni Anthony kay Kurt at Margarette. “Manahimik kayo jan kasi wala kayong alam—”
“Ikaw ang walang alam! Wala kang silbe, hayop ka—” hindi napatuloy ni Kurt yung sasabihin niya dahil biglang hinawakan ni Anthony yung damit kwelyo niya.
At dahil hawak ni Anthony yung kwelyo ng polo ni Kurt, mabilis na sinipa ni Kurt yung tiyan ni Anthony dahilan para mabitawan siya nito.
Napahawak si Anthony sa kanyang tiyan at dinuro si Kurt. Susuntukin sana niya ito pero napatigil siya ng may inilabas na maliit na patalim si Kurt at dinuro sa kanya.
“Hoy San Jose, baka nakalimutan mo na pamangkin ako ng may ari ng paaralang ito! Subukan mo lang talaga ako, kundi ipapalayas kita sa paaralang—”
YOU ARE READING
Tiwala
Teen FictionA twist of lovers. A twist of friendship. A twist of life. Abbigail Lyn's once normal and happy life became the worst battle of emotions because of someone breaking her trust. Someone who she entrusted the key to her heart, betrayed, and hurt her. S...