Chapter 27

27 10 0
                                    

Peter Vic's POV.

Tatlong araw na ang lumipas simula nung nakabalik kami sa Manila. At sa loob ng tatlong araw na iyon, palaging wala sa sarili si Bi.

"Bi," lumapit ako sa kaniya na nasa loob ng silid, nakahiga lang sa higaan. "Ayos kalang ba?"

Tumango ito. "Oo,"

"Are you sure?"

"Yes, I'm fine. Why?"

"Uhmm," napakamot ako sa ulo. "Wanna go out on a date with me?"

Bumangon ito sa pagkakahiga tsaka ngumiti sa akin. "Yeah, sure. Let's do that."

"Great, get ready. Aalis tayo mamaya mga 5:00 pm. Get ready and wear something comfortable." sabi ko at umalis na sa silid.

Pumunta nadin ako sa loob ng guest para makapag ayos nadin.

Lumipas ang mga oras, quarter to 5 na. Kumatok ako sa pintuan ng silid ni Bi. "Bi, tapos kana ba dyan?"

"Teka lang, malapit na ako."

"Sige Bi, sa baba nalang ako."

"Okayyy~"

Pagkababa ko, nagsalubong kaming dalawa ni Mj. "May lakad kayo?" tanong nito at pinagmasdan ang suot ko.

"Yeah, magdate kami ni Bi."

Tumango ito. "Okay, wag na kayong masyadong magpagabi,"

"Hai."

"English please?" tumawa ito.

"I mean yes."

"Good. Andyan na pala si Al oh."

Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran. Fvck my girlfriend is so beautiful... Nawala yung ngiti ko kanina dahil sa naisip. Nagpakawala ako ng buntong-hininga tsaka lumapit sa kanya. "Ang ganda mo."

"Thank you, ang gwapo mo din naman eh." sabi nito.

Inalalayan ko siya patungo sa sasakyan ko, yes, bumili ako ng sasakyan nuong nakaraang araw.

Nang makapasok na kaming dalawa, agad kong pinaandar yung makina at pinahurot sa pupuntahan namin.

Lumipas ang ilang mga minuto, nakarating nadin kami sa tutok ng isang bundok. Kitang kita dito ang paglubog ng araw. "Woww! Ang ganda naman dito!" manghang mangha si Bi. Napangiti nalang ako habang pinagmasdan ang magandang at masaya niyang mukha. "Oh? Ba't titig na titig ka sa akin?"

Umiling ako. "Wala, ang saya mo lang tingnan." sabi ko dahilan para ngumiti ito. "Tara dito."

Inalalayan ko siya patungo sa patag na lupa kung saan nanduon yung table for two na hinanda ko. Napalibutan ito ng mga ilaw na nakasabit sa mga puno. May bulaklak sa gitna ng mesa at may champagne din at pagkain na natatakpan.

Actually kaninang umaga ko pa ito pinag isipan eh. Nagpatulong ako kay Derick dito. "Nagustuhan mo ba?" tanong ko.

TiwalaWhere stories live. Discover now