Two
Nagising ako sa sinag ng araw na tumama sa aking mukha. Dahan dahang umangat at umupo sa higaan ko. Hawak hawak ang aking ulo ay naramdaman ko ang init ng luha sa aking mata.
Kaya ayoko nalang gumising dahil sa taksil na luhang naiipon sa mata ko pag hindi ko inilalabas iyon, Lahat tumutulo. Bago pa ako makatayo sa kinauupuan ko ay pumasok si Yumi sa kwarto ko.
Pinagkatitigan ko sya, ngumiti sya saakin pero ramdam kong hindi ako gumanti ng ngiti. "Anong kailangan mo?" Iritadong bungad ko sakanya. Bumuntong hininga pa sya bago lumapit at umupo sa bandang dulo ng aking higaan.
"Pinapasabi ni Kuya Akiya na bumaba kana sa sala at kumain ng almusal. Kanina ka pa niya hinihintay roon." Nakayuko lang sya habang sinasabi iyon. Si kuya, hinihintay ako? Natauhan ba sya sa sagutan nila ate cha?
Siguro, Buong magdamag silang nagsigawan pero nasobrahan ako sa kaiiyak kaya nakatulog parin ako kahit na maingay sila. Napailing ako at binato sakanya ng marsmallow pillow ko. Regalo saakin ni Yumi iyon nung birthday ko last year.
"Angel, Ano ba!?" Angil nito.
" Wala " Pigil na tawa ang ginawa ko kaya't nagulat ako ng bigla din nya akong batuhin ng unan. Aba! Kinuha ko ang isang unan at umambang Hahampasin sya pero naunahan na nya ako. "Aray! Teka lang "
Natawa nalang ako ng tumambling sya sa kama ko kaya ako ang napunta sa baba habang tumatawa. Mukha kaming tanga pero ganoon nalang din ang saya ko, parang nakahanap muli ako ng kakampi sa mga sandaling ito.
Habang tumatagal ang aming paghahampasan ay ako na mismo ang bumitaw. Humiga ako sa kama at syaka bumuntong hinga. Nang lingunin ko sya ay nakatayo na sya malapit sa pintuan, nakangiti saakin.
" Bumaba ka na Angel ah! Antayin kita sa baba" Lumabas na ng kwarto si Yumi habang tumatawa. Itinakip ko ang Braso ko sa mata ko habang nakangiti. Tumama sa katawan ko ang sikat ng araw kaya napangiti lalo ako.
" Ang sarap maarawan." Nakangiting aniko. Maya maya ng matapos ako sa pagbibilad sa araw at makahinga ako ng maayos ay Bumaba na ako, kaso maling oras ata ako bumaba. Bumungad saakin ang kakambal kong paakyat sa kwarto ko.
Tinaasan ko sya ng kilay, ano bang ginagawa nya rito? May sarili naman syang tinitirahan. Nakasuot sya ng leather jacket at halos balot sya kung titignan. Ang init init ngayon dito sa pilipinas tapos balot na balot sya?
Umiling ako at ipinagpatuloy ang paglalakad pababa ng malagpasan ko sya ay tinawag nya ako. Binalingan ko sya at taas noong tinitigan.
" Anong problema mo?" Bungad ko sakanya, nakangiti lang sya saakin. Hindi ko alam pero kahit na naiirita ako sa itsura niya ay mahal ko padin sya bilang kapatid ko.
"Ate, dito daw muna ako sabi nila mama. Kase wala akong kasama--" Pinigilan ko sya gamit ang daliri ko at napasinghap.
"Kung nandito ka lang para sabihing wala sila dahil sa paghahanap ng pang spoiled sayo, wag nalang." Bumaba na ako ng hagdan at pumuntang kusina. Nakita ko si kuya na nakatingin sa gawi ko. Pabalang ko syang iniwasan.
Walang kwenta nalang din naman kung papansinin ko sya kung nananatiling galit ang awra nya. Mukha ngang mainit parin ang dugo niya saakin, ganoon ba kahirap patawarin ang isang kapatid na baka malapit ng mamatatay? Pero ayoko pang mamatay.
Ayokong dumating ako sa puntong aantayin ko nalang ang kamatayan ko. Kahit nabuhay ako ng hindi masyadong nararamdaman ang pagmamahal ng isang pamilya, mas napapahalagahan ko pa rin naman iyon.
" Aalis ako, angel. Babalik ako ng CDO umayos ka sa kakambal mo" Rinig kong bilin ni kuya akiya, tinitigan ko muna sya pero nakatingin lamang sya sa direksyon ni Angelica. Nagsalin ako ng gatas sa baso at syaka pumunta sa Dinner table namin. Tatlo lang naman kami dito sa bahay na ito. Si kuya, yumi at ako. Unless kung dito din patitirahin si Angelica.
BINABASA MO ANG
Her Wishes |✅
Teen FictionWarning: This story may contains mature themes and strong words/ language that are not suitable for very young audiences. And second, my characters are not perfect. I'm writing their characters based on the reality, so my stories are a messed. Magul...