Fourteen
ANGEL POVsabay sabay pumasok sa loob si yumi, Angelica at cyde ng namumugto ang mga mata.
" Umiyak kayo.." Hindi tanong iyon, halata sa mga mata nila na kagagaling lang nila roon. Kahit itong mga lalaking nasa harapan ko nagsisimugtuan ang mga mata.
"H-hindi ah!" Sabay sabay nilang aniya. Tss, defensive
" Oh, eh anong nangyari sainyo? " Humalukipkip ako, seryoso umiyak sila kanina alam ko. Nagising kasi akong humihikbi itong Exo at yung tatlong lalaki sa harapan ko. Di pa naman ako mamamatay, grabe makaiyak.
"Nagsuntukan kami...hihi" Peke, napaka-peke naman yumi. Umiling ako sakanila at syaka tumingin sa bintana. Ang ganda talaga ng araw pag tinitignan ko rito. " Gusto mo bang umakyat sa Taas, Angel?"
"A-anong gagawin natin dun?" Lumingon ako sakanya. Ngumiti sya saakin kaya gumanti nadin ako ng ngiti.
" Wala lang, baka kasi gusto mo ulit makita ang labas.." Tumingin narin sya sa bintana, mukhang malakas naman ang hangin dahil magagalaw ang mga puno sa labas.
" Sige, sama kayo? " Baling ko sa mga lalaki. Tumango sila at dumiretsyo sa labas. " Maglalakad nalang ako--"
"Ha!? Hindi wag na, mag wheel chair kana, Angel." Kunot noo akong tumingin kay Angelica, Binato ko sya ng isang stuff toy na niregalo saakin ng Exo nung isang araw. " Aray ah! "
" Tara na! Lakad na tayo." Tumatawa na aniko, tumangong nakangiti si Cyde at Yumi, ng bumaling ako kay Angelica mukha syang pinagsukluban ng langin kaya lumapit ako sakanya. " Sabi sakin ni Kristan, crush ka daw nya."
" Ayan ka nanaman, eh! " Napipikong aniya, tumawa ako at inakbayan sya. Naramdaman ko ang kamay nya na humawak sa bewang ko. " Alam ko namang hindi--"
" Try mo kasing magsalita, Angelica. Malay mo, diba? " Ngumiti sya saakin at tumango, nagpatuloy kami sa paglalakad papuntang Rooftop.
" Waaaaaaaw!! Lameg! " Sigaw ni Angelica. Baliw talaga, iniwan nya ako sa pagkakahawak saakin at tumakbo takbo na parang bata.
" Takbo din tayo! " Rinig kong ani Chanyeol, napasapo nalang ako ng noo ko. Grabe napakalala nila, Naunang tumakbo si chanyeol hanggang sa sumunod na sila Baekhyun, Suho, D.O, Xiumin at Chen.
"Parang mga bata talaga." Rinig kong bulong ni Angelo, bumaling ako sakanya at nakipag high five
" Bestfriend ata nila yang kambal mo, Angel " Ani Kristan. Umiling ako habang nakangisi, tumatakbo parin kasi sila.
Umupo kami sa isang bench doon, walo kaming natitira matibay sa hindi pagtakbo, iniisip ko kasi mamaya may magalit samin. Lagot ako kay Kuya akiya.
" Di ko na kaya, makikitakbo na rin ako." Sabi ni Nathan at Sehun sabay takbo. Narinig ko pang tumawa ang mga kasama ko.
" Makitakbo narin kayo, Angel!" Sigaw ni angelica mula sa malayo.
" Siraulo! " Sigaw ko, bumelat lang sya saakin at tumaray. " May balak kayong tumakbo?" Baling ko sa mga kasama ko.
Hindi sila kumibo, mukhang ako lang yung inaantay nila kaya tumayo na ako. Narinig ko pang ngumiwi si Yumi, Parang best day kung tatakbo ako sa gitna ng lakas ng hangin.
" Bye guys! Haha...." Tumatawa akong tumakbo, palipat lipat ako ng pwesto dahil sa ginagawang paghabol ng Exo at Angelica. " Oh? Teka! Isa lang ako..."
Tumakbo ulit ako palayo sakanila, nang lumingon ako sa pwesto namin kanina wala na yung mga kasama ko, sabi na gusto din nilang tumakbo eh.
" Laro tayo ng Hide And seek, Angel! " Lumingon ako kay Kristan na sumigaw at tumakbo papunta sakanila. " Game ka? " Agaran akong tumango, wews! For the first time may kalaro na ako sa pagtatago.
BINABASA MO ANG
Her Wishes |✅
Novela JuvenilWarning: This story may contains mature themes and strong words/ language that are not suitable for very young audiences. And second, my characters are not perfect. I'm writing their characters based on the reality, so my stories are a messed. Magul...