CHAPTER ONE
Slapped
"Hey, Angel tama na yan. You're drunk!" Rinig kong saway sakin ni Yumi. I rolled my eyes on her and drink again a shot of Vodka. Naramdaman ko naman kaagad ang init nito saking lalamunan. Agad akong humigop ng Lemon at saka binalingan si yumi na hawak hawak na ang aking braso at pilit na hinihila palabas ng bar dito sa manila.
Nagpumigil ako at itinanggal ang brasong hawak-hawak niya. Humarap siya saakin ng nakakunot-noo at pumamewang siya, tinuturo ako.
"Yumi, Mamaya na masyado pang maaga oh!" Itinapat ko pa sakanya ang relo ko at pilit pinabasa sakanya ang oras. Mas lalong kumunot ang noo niya at inirapan ako. Ang maldita nya, unang beses lang naman namin 'tong ginawa, eh. Umirap ako at lumapit sakanya.
"Wag kang lalapit baka sapakin kita. Alas-tres na ng umaga! Pagagalitan ako ni Tita n'yan eh!" Tinabig ko pa ang aking braso sakanya. Tss, KJ masyado nagsasaya ako rito.
Napairap ako sa hangin at kunwaring kumakaway sa kung saan. Pinalpagan ko ang dress kong suot at tumayo ng maayos.
"Wag mong isipin na magagalit si Mama sayo, Yumi. Diba? Wala naman ng pakialam sakin yun?" Mapakla akong tumawa. "Kulang nalang maging hangin na ako ng tuluyan sakaniya." Patuloy ko narinig ko naman ang paghinga niya ng malalim at malungkot na sumulyap saakin.
"Magaalala padin si Tita sayo, Hindi ka katulad ni Angelica na--" Pinigilan ko sya sa susunod na sasabihin nya. Pumasok na kami sa loob, ramdam ko ang pagsunod niya kaya bumalik na lang ako sa kinauupuan namin kanina. Bumaling ako sakanya at tumawa bago uminom ng Vodka na nakalagay roon sa table.
"Alam ko, hindi ako katulad ni Angelica na spoiled at palaging binibigyan ng oras makasama ang magulang." Iwinaswas ko pa ang kamay ko na parang nagbabato ng kaydaming pera kahit na ang totoo, wala ako no'n. "Alam mo ba, Yumi? Minsan nakakainggit na din, eh. Ako itong pilit nagpapakasaya habang siya?"
Nagbikit balikat pa ako at syaka itinuloy ang pagsasalita. "Ayon! Naghihintay ng bagong i-ispoiled nila Mama. Naghihintay sa pera na pinaghihirapan nina Papa."
Umiling siya saakin at umupo na sa tabi ko. Ito ang gusto ko sa pagiging pinsan niya, suportado. Kaunting kadramahan ko lang pasado na sakanya.
Peeo hindi naman talaga ako nagdadrama. Nagsasabi lang ako ng totoo at kahit kailan, hindi nila nakitang humina ako. Ayokong pinapakitang mahina ako.
Hindi siya nakatingin saakin ng makaupo siya. Rinig ko ang pag buntong hinga niya kahit na ang ingay na ng bar na ito. Umaalon ang mga tao sa kakasayaw at katatalon. Para silang mga nakawala sa kulungan nila at tanging gabi lang sila maaring lumabas ng kanilang kulungan.
"I don't know everything, Angel. Pero alam kong mahal ka nila tita." Napairap ako, buti pa siya alam niya. Pinaparamdam ba sakanya? Sakin kasi hindi kaya hindi ko alam kung totoo. "Alam mo? Hindi porket hindi ka nila ini-spoiled katulad ni Angelica--"
"No, nonsense na lang 'yang sasabihin mo. Eto uminom ka, madaya ka, eh" Inilahad ko pa sakanya ang isang baso ng Vodka. Umiling siya saakin at saka lumingon sa kanan.
Inikot ko ang mata ko at bumaling nalang sa lalaking nasa gilid ko. He stared at me like no more other day. Masyadong madilim kaya hindi ko makita ang mukha niya.
"Angel?" Kunot noo akong tumagilid sakanya. Paano niya ako nakilala? Ngumiti siya saakin at saka hinawakan ang baywang ko.
Inilapit pa niya ang mukha niya saakin na agad kong iniwasan. Kasabay niyon ay ang paghatak saakin ni Yumi."Umuwi na tayo." Hindi na ako nakapigil dahil sa sakit ng ulo at hilo na aking nararamdaman.
Agarang pumasok kami sa sasakyan ni Kuya na ginamit ko at ipinagpaalam na magma-mall ako kahit na ang totoo ay hindi. Siya na ang nagdrive at ako ay inihilig na lamang ang ulo sa head bag na meron sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Her Wishes |✅
Fiksi RemajaWarning: This story may contains mature themes and strong words/ language that are not suitable for very young audiences. And second, my characters are not perfect. I'm writing their characters based on the reality, so my stories are a messed. Magul...