Chapter 4

64 14 13
                                    


Four.

" Oh, Tubig " Inabot ni Yumi ang tubig saakin bago sya umupo sa couch sa harap ng dinner table namin. " Anong gagawin mo, Angel?"

Kababalik lang ni yumi galing sa labas at ako na kagagaling lang sa kwarto. Inilagay ko ang litrato sa frame at itinabi sa desk. Katabi ng mga libro at ng macbook ko.

Pinagkatitigan ko iyon ng matagal, Hindi man lang nawala ang ngiti ko sa mga sandaling tinitignan ko ang litrato naming magkakapamilya at buo.

Umiling ako, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ayokong tumitig lang sa kakambal ko at ipamukhang okay lang na kinuha nya ang ipon na ang kapalit ay buhay ko.

Hindi ako maka-pag-isip kung ano ang gagawin ko sakanya dahil hindi ko kayang manakit ng tao. Hindi ko kayang saktan ang taong mahalaga saakin. Hindi ko sya kayang saktan dahil kadugo ko sya. Hindi ko sya kayang saktan dahil hindi ako katulad nilang matapang at kayang manakit kapatid mo man o hindi.

Pinagkatitigan lang ako ni Yumi at Napailing. Umupo sya sa sofa at bumuntong hinga. Tatlong oras na din kaming nagaantay dito sa sala, nanatiling blanko ang aking isipan dahil sa kaninang nangyari lang. Akala ko talaga okay na ako sa financial at nagba-baka-sakaling may pang gamot na ako.

Kaso sadyang madamot ang mundo, maniniwala na lang siguro akong pag oras mo nang mawala sa mundo mawawala ka talaga.

Sa kalagitnaan ng pagiisip ko ay biglang bumukas ang pinto ng bahay, iniluwal nito ang kakambal ko na may mga dalang Paper bags.
Nabanggit saakin ni Yumi na ilang araw hindi umuwi si Angelica. Isang linggo akong nakaratay sa hospital at walang kaalam alam na kinuha nya ang pera ko.

Nakangiti syang pumasok sa bahay. Mapula ang mga labi niya pero halata ang pamumugto ng mga mata.

"Umiyak ka ba?" Kumunot ang noo ni Yumi ng tumingin sya saakin. Wala akong magagawa, nag-aa-lala ako na baka may nanakit sakanya.

Ngumiti sya saakin. " Wala naman akong dahilan para umiyak, Angel." Hindi ko nagawang tumango ng inilapag nya ang mga paper bags na dala dala niya. " Pasalubong.."

" Galing sa pera ko?" Tumaas ang kilay ko ng tumawa sya ng palihim ngunit halata ko ang takot sa mga mata niya. " Kinuha mo?"

Imbes na sagutin ang tanong ko ay Inilapag pa nya ang ibang bag na hawak hawak nya at syaka lumingon sa couch. "Uhm, tabi ka dyan Yumi uupo ako"

Tinitigan lang sya ni yumi at nanatili sa pwesto, kung noon nasusunod Niya ang utos kay Yumi ngayon ay hindi na. Nanatiling nakahulikipkip si Yumi at masama ang tingin sakanya.

Ilang minuto pa ang lumipas at hindi man lang kumibo sakanya si Yumi. " Angelica.." Tawag ko rito, hindi man lang sya lumingon saakin. Nanatili ang mga mata niya na nakikipag-labanan sa matatalim na tingin ni Yumi sakanya.

"May natira?" Malamig na tanong ko, 'Sana meron pa' may sakit akong nararamdaman sa aking kaloob looban. Nahihirapang isiping baka wala na.

" Angelica, sumagot ka naman.." Pagmamakaawa ko. Nakakapagod magsalita kung wala kang makuhang sagot.

Ngumiti sya saakin, nilingon ang pwesto ko at syaka inabot ang Piso. Kunot noo akong tumingin sakanya. Nakangiti lang sya at parang demonyo kung makatingin saakin.

"Yung iba?" Inilahad ko pa lalo ang kamay ko para ipakitang handa na akong kunin sakanya ang iba oang natira sa pera ko. Pero para lang din akong nainsulto sa sinabi niya.

" Wala na, ano ka ba sis. Mahal na ang presyo sa labas kaya piso nalang ang natira." Para akong kinakatay sa kaloob-looban ko.
" Buti nga may natira pa eh" Aniya habang iniikot ikot ang dulo ng buhok. Umiling ako at syaka tumingin kay Yumi na tumabi saakin.

Her Wishes |✅Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon