CHAPTER V - NAHULI

484 15 2
                                    

CHAPTER V
- L U M I E R E -

"Pwede daan muna tayo Hillcrest? Ibabalik kasi ng kaibigan ko yung gitara ko..." ani Pierre na nagmamaneho.

"A-ah, oo naman." sagot ko.

"Masiyado ka kasing mabilis bumaba sa parking lot, Lumiere. Excited ka ba masiyado?" humalakhak siya.

Uminit ang pisngi ko. "Hindi naman, a. Uh, mabilis lang naman talaga bumaba."

"Okay." tumawa siya at nanahimik na.

Tumingin lang ako sa bintana habang binabaybay namin ang daanan papuntang Hillcrest. Nadaanan namin ang plaza na may mga batang naglalaro sa playground at ang mga street food stalls sa paligid bati na din ang Familia Gozar na bilihan ng mga school supplies nung high school kami. Nadaanan din ang Naujan Academy kung sa'n kami nag-aral noong elementary at Evermour High School kung saan kami nag-aral nung highschool, dito din ngayon nag-aaral si Lysander ngayon. Ngumuso ako. Ang simple lang ng buhay sa probinsiya at sobrang saya talaga. Ang sad lang kasi college na ako at mas naenjoy ko lang talaga ang pagkabata ko.

"Diba diyan ka nadapa nun dati?" sabi ni Pierre kaya nilingon ko siya.

Tinuturo niya ang part ng plaza kung saan mayroong mga statue ng KKK. Sobrang laki ng statue na 'yon kaya pwedeng akyatin ng kung sinu-sino. Grade nine pa lang ako noon at hindi pa kami mag-MU ni Pierre... parang nagsisimula pa lang ako magkagusto sa kaniya noon.

"Niyayaya tayo ni Pierre na mag plaza, Lumiere. Kakatapos lang naman ng exam, e." niyaya ako ng kaibigan kong si Isabelle Aguilar, ang isa sa mga kaibigan ko noong highschool.

Nasa likod niya si Freya na nakahalukipkip at hinihintay akong mag-ayos ng gamit.

Ngumuso ako. "At bakit daw?"

"Bonding lang! Kasama daw sina Sean at Gianne, e." ngumisi si Isabelle.

Boyfriend niya kasi noon si Sean kaya naman kailangan ay may kasama kami kung gusto niya makasama si Sean. Ang alam ko ay nahuli na sila ng mommy ni Isabelle pero makulit talaga silang dalawa at hindi mapaghiwalay.

"At saka, gusto mo din naman kasama si Pierre, di ba?" singit ni Freya.

Umirap ako. "Fine! Fine. Tara na nga."

Malapit lang ang plaza mula sa Evermour high school kaya naman nilakad lang namin papunta doon. Sina Gianne, at Pierre ay nasa unahan namin naglalakad. Si Sean naman ay tumabi kay Isabelle kaya iiling-iling akong lumayo sa kanila. Tumatawa si Freya na lumayo din at sumabay sa'kin.

"Minsan ang sarap nila kurutin dahil sa pagiging PDA." ani Freya na natatawang nakatingin sa dalawa.

"Mas maganda naman ako pero bakit naunahan pa ako ni Isabelle?!" atungal ko.

Binatukan ako ni Isabelle. "Narinig ko 'yon!" irap niya sa'kin sabay balik ulit kay Sean.

Ngumuso ako. "Di ba, Freya?! Bakit si Isabelle lang ang may syota?!" medyo nilakasan ko ang boses ko.

Tumingin ako kay Pierre na nakikipag-usap kay Gianne. Humagikhik si Freya at siniko ako.

"Lakasan mo pa." aniya.

A Secret Worth A Playboy (CS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon