CHAPTER III - PLAYBOY

553 15 7
                                    


CHAPTER III
- L U M I E R E -

THIS IS JUST RIDICULOUS.

Awkward akong nakaupo sa hapag kainan habang kasama si Mr. Enrico, ang mommy nila na si Ms. Angela, ang mga kapatid niyang sina Damon at Ion at si Sin mismo. Kasalanan niya talaga 'to! Dapat ay nasa get-together pa ako, nagsasaya pero dito ang punta ko! Shiz! Nakakainis!

"Sorry talaga, hija, sa nagawa ng anak ko." ani Mr. Enrico.

Ngumuso ako at tumingin sa kaniya. "A-ayos lang po."

Bumalik ako sa pagkain habang nag-uusap silang lima. Pakiramdam ko talaga hindi ako dapat nandito, e. Dinner nila 'to tapos eepal ako.

"Pa'no yung kotse, dad? Si kuya magbabayad?" tanong ni Damon.

Umangat ang tingin ko sa kaniya. Tumingin din siya sa'kin at bahagyang ngumisi. Umirap ako at inalis na ang mata sa kaniya. Alam kong playboy din 'to, e. Alam ko na 'yang mga ngisi na 'yan.

"I'll pay, Dame. Nakakahiya kasi sa kapatid mo." ismid ng daddy niya.

Tumawa naman si Ms. Angela. "Next time kasi, Sin, tumingin ka sa kalsada. Baka kasi puro chicks ang inaatupag mo-"

Rinig ko ang impit na tawa ni Ion. Marunong pala 'tong tumawa? Tumingin ako sa kaniya. Kinunutan niya ako ng noo at nag-iwas ng tingin. Sungit naman. Suplado.

"Hindi nga, Mommy. Lutang lang ako kanina..." ani Sin saka tingin sa'kin.

"Oo nga pala, Lumiere." napatingin ako kay Mr. Enrico. "Kumusta na si Leon? Isang buwan na kaming hindi nagkikita. Busy ba?"

Ngumisi ako. "Medyo busy po. Sabihin ko po na makipagkita sa inyo minsan."

"Malapit na ang sunod na eleksyon, ano? Next year na."

"Opo." ngumuso ako.

May kung anu-ano pa na tinanong si Mr. Enrico sa'kin tungkol kay daddy. Nagtataka tuloy ako kung bakit hindi na lang niya kausapin mismo si daddy. Duh. Naiistorbo kaya ako sa pagkain. Ang sarap-sarap ng hinanda ng mga kasambahay nila tapos iniistorbo lang ako. Sana pala nag-take out na lang ako. Lol.

"Thank you po." pagpapaalam ko nang paalis na ako.

Ngumiti si Ms. Angela. "You're welcome, Lumiere. I'm really sorry sa kotse mo. Babayaran naman ni Enrico 'yon..."

Dapat lang.

Tumango ako. "Thank you po ulit."

"Send my regards to your parents, alright?"

Tumango ulit ako.

Hindi pa ba ako pwedeng umuwi? Geez...

"Ion, Damon, say goodbye to Lumiere na." tawag niya kay Ion at Damon na nanonood ng tv.

Ngumiwi ako nang nilingon ako ni Ion na mayroong iritadong ekspresyon. Si Damon naman ay malapad ang ngisi nang lumingon.

"Bye, Lumiere." walang ganang sabi ni Ion.

"Ingat, Lumiere! I'll see you next time." aniya sabay kindat.

A Secret Worth A Playboy (CS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon