CHAPTER XLIV - END

483 19 7
                                    


CHAPTER XLIV
- S I N -

"I'm very disappointed in you, Mr. Celestino. Dean's lister ka pa naman. Sana man lang ay naisip mo na mali ang magkaroon ng relasyon sa iyong professor."

Kinuyom ko ang kamao ko at itinago ito sa aking likod. Ito na nga ba ang kinatatakot ko: ang mahuli kami. Wala na naman talaga kami ni Krissa pero tangina, nahuli pa din kami!

"You failed your subjects too, right? Paano ka na magiging abogado niyan, Mr. Celestino?"

Natakot ako sa maaaring mangyari kay Krissa. Matagal na niyang sinasabi na magre-resign na siya sa Lakewood at ang nangyari ngayon ay ang resulta ng pagkawala ng trabaho niya.

Bumuntong-hininga pa ako bago buksan ang pinto ng bahay namin. Birthday ko na bukas at hindi ako handang sabihin ang nangyari kina mommy. Gusto silang papuntahin ng dean sa school para daw mapag-usapan ang mangyari at bigyan ako ng tamang parusa.

It's okay for me... I guess.

Pinagtulakan ko na si Lumiere, ano pang gusto nilang kuhanin sa'kin? I don't care anymore.

I gave her up... kahit na masakit. I knew I wasn't enough for her.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay natagpuan ko si mommy at daddy na nakaupo sa sofa. Umiiyak si mommy sa sofa. Napalunok ako. Alam na nila?

"Adonis Hezekiah, what the hell is this?" tanong ni daddy pagkakita sa'kin. Tinaas niya ang flash drive kaya napayuko ako.

Fuck...

Ang laman ng flash drive ay ang CCTV footage namin ni Krissa sa locker room na naghahalikan. I knew it needed to be deleted, kaya pumunta akong CCTV room para i-delete 'yon at ilagay sa flash drive. Si Ruiz naman, nalaman niya kung ano 'yon dahil nasa locker room siya mismo noong nangyari 'yon. Fuck it.

"Ano bang pagkukulang ko sa'yo, Sin? Pumasok ka ba sa eskwelahan para gumawa ng mga ganitong bagay? Kailan ka pa naging ganito? I thought you were better than this! Anong pumasok sa utak mo para makipagrelasyon sa teacher mo? I'm disappointed in you, Adonis! My god!"

His words were stabbing me. I'm hurt. So bad.

"Hindi ba bumagsak ka sa first sem? Bakit mo pa kailangang dagdagan ang galit ko sa'yo? Nagrerebelde ka ba, Sin? Ano? May pagkukulang ba ako magpalaki sa'yo?"

Umiling ako kasabay ng pagtulo ng luha ko, "Wala po, dad..."

"Then why? Anak, bakit? Alam mo bang napaalis sa eskwelahan niyo ang teacher mo?"

Hindi ko sumagot at nanatiling nakayuko. Rinig ko ang mga hikbi ni mommy kanina pa.

"Pagkatapos ng new year, sasama ka sa ate mong pumunta ng L.A.! Doon ka uulit ng third year, Sin."

"Dad," pinunasan ko ang luha ko, "K-kahit po palipatin niyo na lang ako ng school. 'Di ko na po uulitin 'yon. Daddy... aayusin ko na po. Magpapakabait ako. Promise-"

"Kailangan mo matutunan ang aral mo, Sin!"

"Daddy," humikbi ako na parang bata. Sa buong buhay ko ay ngayon lang ata ako nagkaawa ng ganito, "Dad, ayokong mawala si... si Lumiere... gusto ko malapit lang ako sa kaniya. Please, dad."

A Secret Worth A Playboy (CS #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon