CHAPTER XIII
- S I N -"What's up, Krissa?"
Kakatapos ko lang mag-shower pag-uwi ko at tumawag kaagad si Krissa sa'kin. Bad mood pa din ako dahil sa away namin ni Ion kanina tungkol kay Corrine. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan namin pag-awayan 'yung tungkol dun. Ang simple lang naman ng problema niya, e. May boyfriend si Corrine kaya layuan niya. Tsss.
"Anong what's up ka diyan? Sin, may date tayo at malalaman kong kasama mo si Lumiere?" seryoso ang tono niya.
Iritado kong pinunasan ng tuwalya ang basa kong buhok. Ngayon pa talaga niya ako aawayin? "Pwede bukas na tayo mag-usap? Bad mood ako dahil sa away namin ni Ion-"
"Pwes, mas bad mood ako. Hindi na nga tayo masiyadong nagkikita dahil kasama mo palagi si Lumiere."
Umirap ako. "Kaibigan ko lang 'yon."
"Kung kaibigan mo lang, bakit siya yung niyaya mo sa birthday ni Ion?"
"Kasi invited naman talaga ang mga Esteva! Ano, gusto mo ikaw dalhin ko do'n? Ayaw mo tayong mahuli pero ikaw mismo 'yang nagdadala sa'tin sa kapahamakan." hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nakakabwisit. Siya pa ang napagbubuntungan ko ng galit ko.
"So ayaw mo na?" lumungkot ang boses niya.
"Krissa naman..." inis akong napasabunot sa buhok ko.
Nakaka frustrate. Ayaw kong mag-away kami ngayon pero sadyang ang lakas niya magselos kay Lumiere.
"Okay. Bukas na lang tayo mag-usap-"
"Puntahan na lang kita diyan." bumuntong hininga ako.
"Talaga? Sige!"
Kahit gabi na, nagpaalam pa ako kay daddy na may pupuntahan ako.
"Saan na naman ang gimik mo, Adonis? Club na naman?" taas kilay niyang tanong.
"Hindi po, dad. May ano po, ibabalik lang ako sa kaibigan ko." napakagat ako sa labi ko.
Damn. Ayokong nagsisinungaling kay daddy pero para kay Krissa nagagawa ko. Shit.
Ngumuso si daddy at mabagal na tumango. "Bilisan mo, Sin. Isang oras dapat nandito ka na."
"Opo." mabilis akong naglakad paalis sa sala at nagtama pa ang paningin namin ni Ion na bumababa ng hagdanan.
Iiling-iling akong umalis. Tsss. Bahala siya diyan. Sinabi ko na ang dapat kong sabihin. Siya naman yung tatanga-tanga sa Corrine na 'yon. Kung alam ko lang, dapat hindi ko na siya tinulungan kanina. Bwisit. Nabigyan ko pa tuloy ng pagsusungit na ugali si Lumiere.
"Sin!" pagkababa ko ng kotse ay sinalubong ako ni Krissa ng yakap.
Pagod ko siyang niyakap pabalik. "Ba't nasa labas ka ng apartment mo?"
"Hinihintay kita, e. Akala ko papalipasin mo 'yung away natin hanggang bukas." malapad ang ngiti ni Krissa.
Tipid akong ngumiti. Tama, Sin. Kay Krissa ka lang tumingin. Hindi magandang tumingin kay Lumiere. Gustong-gusto kong sabihin 'yan sa sarili ko pero may parte sa'kin na tumatanggi. Parang ayaw ko kasi alam ko sa sarili ko na unti-unti, nagiging parte na si Lumiere ng buhay ko. Natatakot ako na mabago ang nararamdaman ko para kay Krissa.
BINABASA MO ANG
A Secret Worth A Playboy (CS #1)
Teen FictionCELESTINO SERIES #1 Adonis Hezekiah Celestino is a well-known playboy. Hinahabol-habol ng mga babae pero isa lang ang babaeng takang-taka siya kung bakit hindi man lang gumagana ang kaniyang pagpapapansin - and that is Lumiere Aziana Esteva. Naglap...