CHAPTER XXXVI
- L U M I E R E -Kinabukasan ay nagkatotoo nga ang sinabi ni Freya at Allison sa'kin. Leche, ang sama ng pakiramdam ko! Habang nagmamaneho pa ako ay bumuhos ang malakas na ulan.
Tangina, deja vu? Parang nangyari na 'to dati. May lagnat ako, umulan, tapos... ewan ko ba.
"Kuha po ako ng biogesic, Ma'am?" tanong ni Allison nang nasabi kong nagkatotoo nga ang sinabi niya.
Tumikhim ako, "Yes, please. Hot coffee na din."
"Akala ko po ayaw niyo ng hot coffee, ma'am?"
"Mukha bang makakainom ako ng iced coffee ngayon?" sarkastiko kong tanong.
Umalis na si Allison sa office ko para kumuha ng biogesic at kape. Sa totoo lang ay hindi naman talaga ako umiinom ng mainit na kape, ayaw ko kasi pero 'di naman ako makakainom ng iced coffee ngayon. Baka lumala lang ang lagnat ko.
"Sino ba kasing nagsabing pumasok ka, ha?" pangaral sa'kin ni Freya.
Umirap ako at ni-loud speaker ang call, "Ano na namang kailangan mo?"
"Wala, hehe! Nung tinext mo kasing may lagnat ka ay naisip kong pagalitan ka na naman. Sabi ko na sa'yong 'wag kang magpapagabi, eh!"
"Tsss. Magtrabaho ka na nga lang. Puro ka tawag sa'kin. Buti 'di ka napapagalitan ng boss mo." ngumiwi ako.
"O siya, sige na nga! Galit ka na naman eh," tumawa siya.
Binaba ko na ang tawag at nag-focus na lang sa ginagawa ko. Maya-maya pa ay dumating na si Allison na dala-dala ang cup na may lamang coffee, galing pa pala 'yon sa Starbucks. Nilapag din niya ang Biogesic sa mesa ko.
"Thanks, Allison," sabi ko at inabot ang bayad sa kaniya.
Umalis na din siya pagkatapos non. Ininom ko lang ang coffee at gamot. Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako habang nakaub-ob ang ulo ko sa mesa. Ang sakit na talaga ng ulo ko!
Pagkagising ko ay lunch na pala. Lumabas ako at dinaanan muna si Allison.
"Allison, pakibabaan nga ng temperature ng aircon sa office ko. Malamig kasi," sabi ko sa kaniya.
"Sige po, Ma'am."
Hindi ako sa cafeteria ng company nag-lunch. Takot ako, baka sabayan na naman ako ni Sin. Trauma na ako, 'no! Kaya kahit na masama ang pakiramdam ko ay nagmaneho pa din ako. Umuulan pa din pero hindi na 'yon kasing lakas ng kanina.
Umorder ako ng pagkain sa isang resto tapos ay pumili ng uupuan. Wala masiyadong tao kaya naman sa tabi ako ng malaking glass window umupo. Mas maganda kasi ang paligid ngayon, lalo na't umuulan.
Pinagsiklop ko ang dalawa kong kamay. Shete, ang lamig. Summer naman pero bakit umuulan? Tch! Walang kwenta talaga ang weather.
"You okay?"
Mariin akong napapikit. Leche.
"Yup." tipid kong sagot.
Hindi ko na siya napigilan nang umupo siya sa tapat ko.
"Dito ka pa nag-lunch? Umuulan tapos nagmaneho ka pa..." komento niya.
BINABASA MO ANG
A Secret Worth A Playboy (CS #1)
Teen FictionCELESTINO SERIES #1 Adonis Hezekiah Celestino is a well-known playboy. Hinahabol-habol ng mga babae pero isa lang ang babaeng takang-taka siya kung bakit hindi man lang gumagana ang kaniyang pagpapapansin - and that is Lumiere Aziana Esteva. Naglap...