Author's Note:
Thank you so much sa mga nagbabasa! Hindi ko alam kung pa'no ko kayo pasasalamatan, omo! I try really hard para magkaroon pa ng better scenes every chapter and sana masubaybayan niyo ang story ni Sin at Lumiere! (灬º‿º灬)♡Enjoy the future updates, everyone.
(^_____^)CHAPTER XVI
- L U M I E R E -"Sorry, Mcdo na lang kasi 'yung fast food na malapit dito." ngumuso si Sin at pinanood akong kumain.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Ayos lang naman sa'kin. Sobrang ayos pa nga, e. Kahit papaano, nakakatunaw ng galit ang mga efforts ni Sin sa'kin. Pagkapasok ko kasi ng kotse niya at sinusungit-sungitan ko lang siya, inabutan niya ako ng iced coffee at french fries mula sa Mcdo.
Umirap ako. "Thanks." sabi ko sabay subo ng fries.
"Matutulog ka na ba dapat? Gusto mo na ba bumalik?" tanong niya at tinukod ang siko sa manibela, tapos ay pumangalumbaba.
"No and no." tipid akong ngumisi.
Ngumisi din si Sin at ginulo ang buhok ko. Panigurado ay namumula na naman ako. Shiiz! "Good." bumuntong hininga siya. "Sorry talaga. Biglaan lang kasi, Lumiere. Tumawag kasi si-"
"Yup, naiintindihan ko naman." pinutol ko ang sinabi niya.
Tama, Lumiere, naiintindihan mo. Hindi kailangang mag-sorry ni Sin sa'yo. In the first place, ano bang pinuputok ng butchi mo kanina? Ba't galit na galit ka kanina, Lumiere?
Ngumuso na naman siya. "Hindi ka na galit?"
Umirap ako. "Kailan ba ako nagalit?"
Sinungaling!
"Hm, sino naghatid sa'yo? Si Ion?"
Umiling ako. "Damon."
"ANO?!" Gulat na gulat niyang tanong at napasapo sa noo. "Ba't si Damon?! Sabi ko si Ion!"
"Si Damon ang nagpresenta na ihatid ako." kibit-balikat kong sagot.
"Tss. Sa susunod 'wag ka na ulit sasama dun." aniya.
"So sinasabi mong sa'yo na lang ako sumama?" tinaasan ko siya ng kilay.
"Oo naman. Ba't naman hindi?" tumawa siya. "Ayaw mo ba?"
"Gusto." mabilis kong sabi.
SHIT!
Tanga ka talaga, Lumiere!
Mabilis akong umiwas ng tingin at nag focus na lang sa pagkain. Tumawa si Sin at napatango-tango.
"Alam ko naman 'yon. 'Di mo na kailangan aminin." pagyayabang niya.
"Ang kapal mo."
"Totoo naman kasi..." aniya.
Kung anu-ano pang walang kwentang bagay ang kinwento sa'kin ni Sin, which is weirdly interesting para sa'kin. Tch. Ang weirdo ko na talaga. Kahit na gabi na at inaantok na 'ko, mas gusto ko pa din mag-stay sa kotse ni Sin habang pinapakinggan ang mga walang katuturang bagay na lumalabas sa bibig niya.
BINABASA MO ANG
A Secret Worth A Playboy (CS #1)
Teen FictionCELESTINO SERIES #1 Adonis Hezekiah Celestino is a well-known playboy. Hinahabol-habol ng mga babae pero isa lang ang babaeng takang-taka siya kung bakit hindi man lang gumagana ang kaniyang pagpapapansin - and that is Lumiere Aziana Esteva. Naglap...