Paanan ng bundok. May isang bahay na nakatirik dito. Ito ang bahay nina Almira at ng kanyang Lola Tasya. Hindi mo iisipin na may bahay sa paanan ng bundok. Dayo lamang ang mga ito.
Si Lola Tasya ay may anak na dalaga. Si Monina. Nag-aaral ito sa Maynila. Noon ay nakatira sila sa Barrio Bagong Sikat. Minsan, nang umuwi si Monina, buntis ito. Nadisgrasya ng kasintahan, at ng malamang buntis, iniwanan na lang. Walang tutulong sa kanya, kaya umuwi ng lalawigan si Monina. Nagtapat sa ina. Agad nagpasya si Lola Tasya. Ipinagbili ang bahay sa Bagong Sikat at lumayo na sila doon. Sa paanan nga sila ng bundok nagtungo.
Ikinamatay ni Monina ang pagsisilang sa kanyang anak. Si Almira ang naging anak. Ipinasya ni Lola Tasya, dito na rin ilibing ang anak. Naitago ang lihim. At si Almira, lumaki sa piling niya at nagdalaga.Sa papag, makikita ang katawan ni Miguel, wala pa ring malay. Inaapoy ng lagnat. Wala sa sarili. Minsang magulantang. Magsisisigaw at isisigaw ang pangalan ni Laura.
"Lola, mabubuhay pa po kaya 'yan? Mag-iisang linggo na po siyang ganyan." buong kainosentehang sabi ni Almira.
"May awa ang Diyos, Almira. Baka - sakali. Ewan ko ba sa iyo kung paano mo naiakyat 'yan at naiuwi mo pa rito." sagot naman ni Lola Tasya sa apo.
"Katulong ko si Dakila, Lola. Kawawa naman kasi eh. Humihinga pa." wika naman ni Almira.
"Parang gulay na dinapurak. Lasug-lasog. Lamog pa ang buong katawan. Buti at walang nabaling buto." wikang muli ni Lola Tasya sa apo.
"Lola, pagalingin mo po siya. Ngayon po masusubok ang nalalaman mo sa hilot-hilot at patapal-tapal ng kung anu-anong dahon." wikang muli ni Almira.
"Eh, ano pa nga ba ang ginagawa ko? Kita mo't halos mabalot na ang buong katawan niya sa mga dahon na itinapal ko." sagot muli ni Lola Tasya.
"Lola, sino kaya ang Laurang isinisigaw niya?" ang patuloy na wika ni Almira nang may pagtatanong.
"Malay ko. Baka asawa o anak." sagot ni Lola Tasya sa tanong ng apo.
"Para naman po siyang walang asawa. Bata pa kung titingnan ko, Lola." wika ni Almira.
"Buti pa, kumuha ka ng niyog at gagawa ako ng langis. Kailangan iyong ng kanyang katawan." utos ni Lola Tasya sa apo.
"Opo, Lola." maikling sagot ni Almira.
Bigong umuwi sina Manuel at ang mga kaibigan niya. Hindi nila makita si Miguel. Ni ang kalabaw nito ay di nila nakita.
"Siguro, sa ibang lugar ng gubat pumasok si Miguel." wika ni Lorenzo na kaibigan ni Manuel.
"Oo nga. Aba! Hindi biru-biro ang ginawa nating paghahanap, Manuel. Inabot din tayo ng ilang araw." wika naman ni Delfin.
"Wala muna kayong sasabihin kay Laura. Balak ko kasing magbalik sa gubat. At magdadala na ako ng baon ko." sagot naman ni Manuel sa dalawang kaibigan nito.
"Mag-ingat ka na lang." tanging naisagot ni Lorenzo kay Manuel.
At tumango na lamang ang dalawa. Nauunawaan nila ang ibig mangyari ni Manuel.
Kay bilis ng mga araw. Ngayon ay linggo na, araw ng kasal nina Laura at Miguel. Hindi matawaran ang lungkot ni Laura. Hanggang ngayon, wala pa ring balita kay Miguel. Sinisisi ni Laura ang kanyang sarili. Hindi mapigil ang pag-iyak niya. Halos mabasa na ang kanyang dibdib.
"Ilang araw na ba akong naghihinagpis? Paano kung di matuloy ang kasal natin? Kailan ka ba darating, Miguel?" buong pagtatanong ni Laura sa kanyang sarili.
Nagbalik sa kanyang alaala nang hapong mabitiwan niya't sukat ang pinggang huminuhugasan.
Sa bakuran, patuloy na nagluluto ang mga kanayon. Matibay ang kanilang paniniwalang hahabol si Miguel. Kasama si Manuel.
BINABASA MO ANG
Mapaglarong Tadhana
Romansa"Ang damdaming nasaktan, kayang kalimutan. Ang isang pagkakamali, maaaring ituwid. Subalit sa papaanong paraan mo palalayain ang pag-ibig na minsang biniro ng tadhana?"