KABANATA 5: Ang Pagbabalik Ni Miguel

17 1 0
                                    

   Madaling araw pa lang, gising na si Almira. Nakapagluto na. Nakapagbalot na ng mababaon upang may makain sa paglalakbay. At naihanda na nila ang mga kalabaw. Walang magawa si Lola Tasya ng makitang nakagayak na ang apo.

"Lola Tasya, di man dapat magtanong, alam ko, sukol hanggang langit ang utang na loob ko sa inyo ni Almira. Isang bagay na hindi ko malilimutan," wika ni Miguel kay Lola Tasya.

"Maraming salamat, Miguel. Ikaw na ang bahala sa aking apo"..tugon naman ni Lola Tasya.

"Ako ho mismo ang maghahatid sa kanya pabalik dito. Pangako ko po 'yan sa inyo, Lola Tasya" wikang muli ni Miguel.

   Naklabay na ang tatlo. Si Almira na ang sumakay sa ibabaw ng kalabaw. At si Miguel ay nasa kareta, hawak ang itim na orkidyas.

"Hi, Dakila. Bilisan mo at gandahan ang ating paglalakbay. Ihahatid natin ang binatang si Miguel sa kanyang minamahal na si Laura." wika ni Almira na animo'y kinakausap ang alagang kalabaw.

   Natatawa si Miguel. Natutuwa siya kay Almira. Sanay na sanay si Almirang sumasakay ng kalabaw. Alam ang mga liku-likong bukid na iiwasan. Nakikita naman ni Manuel ang kasiglahan ng kaibigan. Buong ingat na hinahawakan ni Miguel ang itim na orkidyas.
   Inihinto nila ang mga kalabaw sa tabi ng ilog. Pinainom nila ang mga kalabaw. At sila'y naupo sa ilalim ng malaking puno. Sa tingin nila, bandang hapon na sila makakarating sa Barrio Lagundin. Dahil ang ginawa nilang paglalakbay ay mabilis. Kumain muna sila. Pagkatapos, ay pinatakbo nila ulit ang mga kalabaw.
   Kumain lang sila at naglakbay na naman. Tirik ang araw, patuloy pa rin sila sa paglalakbay. Panay ang sulyap ni Manuel kay Almira. Nakita niyang malamlam ang mukha ng dalaga.
   Ganap na alas-tres ng hapon nang tumigil muli sila. Kailangang painumin ang mga kalabaw.

   Ganap na alas-tres, bihis na bihis na rin si Laura. Ngayon ang araw ng kasal niya kay Lucho.
   Tahimik na tahimik si Laura sa kanyang silid. Pormal na pormal. Hindi tulad noong una, na masayang-masaya ang mukha.

   Palapit nang palapit si Miguel sa Barrio Lagundin. Mabilis ang paglalakbay nila. May nakasalubong silang dalawang matanda. Si Ka-Islaw at Ka-Loleng.

"Manuel, ikaw pala yan! Nga pala may ibubulong ako sa iyo." pagbati at wika ni Ka-Islaw kay Manuel.

"Ano po iyon, Ka-Islaw?" tugong tanong naman ni Manuel sa matanda.

"Mamayang alas-singko ang kasal ni Lucho at Laura." pabulong na wika ni Ka-Islaw

"Sige po. Salamat po." tugon naman ni Manuel sa matanda.

"Anong sinabi sayo ni Ka-Islaw?" tanong naman ni Miguel kay Manuel.

"Mamaya, ikakasal na si Lucho." sagot naman ni Manuel sa tanong ni Miguel.

"Sino kaya ang papakasalan ni Lucho, Manuel? Mapalad ang babaeng mapapangasawa niya." wika naman ni Miguel.

   Kumakalembang ang kampana sa simboryo ng Barrio Lagundin. Natigilan na naman si Miguel.

"Manuel, dumiretso tayo kina Laura. Gusto ko siyang makita. Makausap. Dalian natin." wika ni Miguel

   Nagpati-una na ang kalabaw nina Miguel at Almira. Itinuro ni Miguel sa dalaga kung saan dadaan. Nasa bukana na sila ng Lagundin.
   Nang biglang humarang ang kalabaw ni Manuel sa daraanan ng kalabaw nina Miguel. Bumaba siya agad. Pinigilan ang kalabaw.

"Manuel, nagmamadali tayo. Bakit ba?" wikang tanong ni Miguel sa kaibigan.

"Mag-usap muna tayo, Miguel. May mahalagang bagay tayong dapat pag-usapan." sagot naman ni Manuel kay Miguel.

Mapaglarong TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon