“Finally!” salubong ni Van sa akin nang makapasok ako sa atelier.
“Bakit ganyan itsura mo? Did something happen?” tanong ni Van.
Ngumiti ako. I got a bit distracted and maybe my face says the same. “Wala ah. Medyo traffic lang,” I said and she just nodded.
Hinila niya ako hanggang sa makapasok kami sa lounge.
“P! Oh, my god! It's been a long time!” someone shouted from the room and next thing I know, I was crushed in a hug.
“Tyline, di ka pa rin nagbabago!” I said as I hug her back.
“Syempre! Tumatanda lang tayo pero abnormal pa rin,” sabi naman niya habang hinahawakan ako sa balikat. “Kamusta ka naman? Kung hindi pa ikakasal 'tong si Yvanna, hindi ka pa magpapakita!”
Umupo kami sa couch na naroon. Looks like there will be a lot of catching up.
“I'm good. Just a bit busy with work, alam mo na...” I replied, shrugging.
“Sus, work my ass. Hindi ka naman ganyan dati!” sabi ni Tyline saka tumawa.
Van or Yvanna and Tyline have been my friends since college years. Tres Marias, kung tawagin nung ibang kaibigan namin. Hindi rin namin alam kung bakit naging magkakaibigan kami. It just happened. One day, we were grouped for a paper and then boom! Friendship.
Nagkwentuhan kami ni Tyline hanggang sa tinawag na ako ni Yvanna dahil susukatan na raw ako.
“Paul,” bati ko sa fiancee ni Yvanna.
“Patricia! Been a long time,” he said as he quickly hugged me.
“Congrats at napasagot mo na rin sa proposal mo si Van,” sabi ko. Matagal-tagal ring naudlot yung proposal nitong si Paul dahil sa parents ni Yvanna. Pero buti na lang at tuloy na tuloy na talaga ngayon.
Nagtaas-baba siya ng kilay, “Ako pa ba?” sabi niya kaya hinampas ko yung balikat niya. Siraulo pa rin talaga.
“Punta ka na doon, hinihintay ka ni Van sa loob. May susunduin lang ako sa labas,” tumatawang sabi ni Paul at saka pumunta sa lounge ng atelier kung nasaan kami ni Tyline kanina.
Nang makapasok, sinimulan na akong sukatan. Sa simbahan malapit sa dati naming school noong college gaganapin ang kasal nila Yvanna. Special raw at mabuti na rin dahil traditional ang parents nilang dalawa.
“I didn't expect na ikaw pa pala ang mauunang ikasal sa ating tatlo,” sabi ko habang umiikot dahil sa sinabi ng designer.
“I know. Akala ko nga ikaw pa mauuna eh,” sagot ni Van habang nakapangalumbaba at pinapanood ako.
I laughed, “Bakit naman magiging ako? Wala nga akong boyfriend.”
Nagkatitigan kami ni Van, “I know that too... pero kasi diba nung college?” sabi niya. Kumunot ang noo ko.
“What about it?” I asked.
“Wala, I just thought you were dating someone that time kasi minsan hindi ka nakakasama samin ni Tyline sa hang out,”
Napatigil ako. “At saka you were kinda always on your phone,” dagdag pa ni Van.
Matagal bago ako nakasagot at tapos na rin akong sukatan. Umupo ako sa tabi ni Van.
“Pero you know what, maybe it's just me. Wag mo na lang pansinin,” Van added and then shrugged.
I sighed. Buti na lang. I don't want to say anything about that time. Or if there was anything to say, it doesn't matter anymore.
