six.

12 1 0
                                    

"Grabe, hindi man lang na-credit yung sa philosophy mo dati?" gulat na sabi ni Yvanna nang sabihin ko na may nadagdag sa subjects na itetake ko this semester.

"Oo. Nagulat nga rin ako pagkakita ko sa portal," I said as I sipped on my drink.

"Edi parang irregular ka na niyan?" si Tyline naman.

"Yeah. But it's okay, magtetake na lang ako ng advanced units next year to catch up,"

Last day na ng sembreak kaya naisipan naming mag-chill sa Cube. Start na ng second semester at medyo kailangan nang magseryoso ng husto sa studies, lalo ako dahil I have one subject to retake.

"We'll miss you," madramang saad ni Tyline na binatukan ni Yvanna.

"Parang tanga, kasama pa rin naman natin siya sa major!" she said.

"Kaya nga. It's just one day of not being together," dagdag ko kahit alam kong nagbibiro lang si Tyline.

The next few days, puro klase sa major namin. Kahit na first week pa lang at puro discussion pa lang ng syllabus, nakakapagod pa rin. Nang mag-huwebes, dumiretso ako sa lecture hall sa CoE. Doon kasi yung klase ko para sa Philosophy. Tatlong oras iyon dahil one day per week lang ang meeting.

Nahiya ako pagpasok dahil puro engineering students yung nasa loob. Ito yung mahirap kapag back subject, hindi mo na kaparehas ng major ang classmates mo.

I settled on the farthest seat. Wala pa kasing nakaupo doon. Medyo maaga pa rin naman.

Five minutes siguro bago magsimula ang klase nang nakita kong papasok sina Mikhail. What are the odds that we won't be classmates kung nasa CoE nga pala ako.

Sa fourth row bago sa dulo umupo yung mga kaibigan niya. Paupo na rin sana siya nang makita ako sa dulo, mag-isa pa rin.

"Uy, bakit nandito ka?" tanong ni Mikhail habang umuupo sa tabi ko.

Tinaasan ko siya ng kilay, "Bakit? Bawal?"

Tumawa naman siya, "Hindi naman, pero kasi diba Psych ka? Naliligaw ka ng building?"

"Sira, back subject ko 'to."

"Nice, edi classmate kita for this sem?" parang batang sabi niya.

"Obviously," I replied.

Bumalik na sya sa fourth row nang dumating yung professor. The usual introduction during the first day of class went on. Pagkatapos ay diniscuss ang course syllabus. After the discussion, pinayagan na kaming umuwi.

"Patricia!" tawag ni Mikhail.

Palabas na sana ako ng lecture hall nang lingunin ko sya, "What is it?"

He hesitated for a while then he spoke, "May pupuntahan ka pa?"

Tumabi ako dahil nakaharang ako sa may pinto. "Wala naman na. Why?" I asked.

He scratched his eyebrows, "Uh ano, pwede mo akong samahan?"

"Saan naman?"

"Basta?" sabi niya bago ako hinila papunta sa parking lot.

"Kidnapping 'to ah," sabi ko nang makasakay sa sasakyan niya.

"Di ka naman pumapalag. So, technically this isn't kidnapping," he jokingly said as he started the engine.

"Saan ba tayo punta? At bakit ako napagtripan mong isama?" I asked, hindi niya kasi ako sinagot ng maayos kanina.

"D'yan lang. Just wanna try something. Ikaw kasi agad nakita ko kanina e," tumingin sya sakin at ngumiti bago ibinalik sa daan ang tingin.

We weren't exactly close pero since the sembreak party, parang automatic friends na kami.

"Make sure I'll enjoy wherever you are taking me," I crossed my arms, kunwari nagsusungit. Natawa naman siya.

The drive wasn't that long. Nagpark sya sa harap ng isang coffee shop. I think it's newly opened dahil may mga bulaklak pa sa may entrance.

"A coffee shop?" sabi ko nang makababa sa sasakyan niya.

"Obviously," he chuckled.

I rolled my eyes. "Paano mo nalaman dito?"

"Nadadaanan ko kapag papuntang school," sabi niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.

The ambiance inside was nice, there was a piano instrumental playing in the background. Calm ang atmosphere dahil doon.

"What's yours?" tanong ni Mikhail habang nakatingin sa menu. Tumingin rin ako doon.

"Iced caramel macchiato na lang," sabi ko.

"Ops," pagharang niya sa kamay ko na may pera. "Ako na. Sagot kita," he said.

Dahan-dahan akong tumango at saka binalik ang pera sa wallet.

"Hanap na lang ako ng upuan," sabi ko. Tumango naman siya.

There were bean bags and low tables. Mayroon ring bar stools sa may gilid. Nag-settle ako doon sa may bean bag para mas kumportableng umupo.

I noticed shelves in the corner of the shop. Pumunta ako roon at tinignan ang mga libro. Pinili ko ang isang novel ni James Patterson saka bumalik sa upuan. Nandoon na si Mikhail.

Nagpasalamat ako nang ilapag niya ang inumin sa harap ko. I took a sip and instantly felt refreshed.

"Nagbabasa ka pala ng crime-fiction?" tanong niya nang makita ang libro.

"Sometimes. Stress reliever kapag maraming readings," sagot ko. Tumango-tango sya then I realized how my answer was kind of dismissive.

"Ikaw? Do you like reading?"

Napatingin siya sakin bago sumagot.

"Oo. Kapag may time, nagbabasa ako. Pero medyo demanding subjects ko ngayon kaya hindi ako masyadong nakakapagbasa," Mikhail said then he took a sip on his drink.

Come to think of it, alam ko lang na sa CoE sya pero hindi ang specific program.

"What's your course again?" tanong ko ulit.

"Computer Engineering," sabi naman niya.

Wala na akong matanong kaya tumango na lang ako at bumalik na sa pagbabasa. After a while, Mikhail also got himself a book.

Hindi ko namalayan ang oras dahil napasarap ang pagbabasa ko. I reached out for my phone nang tumunog ito.

"I think I gotta go," sabi ko kay Mikhail. Nagtext kasi ang driver namin at tinatanong kung nasaan ako. I forgot to text him earlier.

Hinatid ako ni Mikhail pabalik sa school kahit na nag-iinsist siya na ihatid na lang ako sa bahay. Sinabi kong nasa school ang driver namin kaya hindi na lang niya ipinilit.

"Thanks for today. Though, I did not really talk," tumawa ako. "I really enjoyed," I said as I unbuckled my seatbelts.

"Thank you rin sa pag-sama kahit biglaan. Glad you enjoyed today. Ingat ka pag-uwi," sabi niya nang makababa ako.

"You too," sabi ko at saka kumaway.

Pinaandar na niya paalis ang sasakyan saka ako naglakad papunta sa parking lot.

When I got home, I just took a shower and then layed on my bed. Tumitig ako sa kisame.

Mikhail Esquierdo... he's something.

Lost HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon