four.

18 4 0
                                    

Days passed by faster than I expected. Sa dami ng mga ginagawa at ipinapasa, hindi ko namalayan na Sabado na agad bukas.

I dialed Tyline's number. Bukas na kasi yung party na sinasabi niya at hindi ako makakasama dahil sinabihan ako ni Mommy na may dinner kami bukas. Bihira iyong gano'n sa family namin dahil lagi silang busy ni Papa kaya dapat daw kumpleto kami.

"Pattypie!" bungad ni Tyline nang sagutin ang tawag.

"Ty, about the party tomorrow?" sabi ko.

Umupo ako sa kama at niyakap yung favorite kong unan.

"What about it, Pattypie?" she said, slightly playing with her term of endearment. Medyo maluwag talaga ang turnilyo nitong babaeng 'to.

"I can't come with you guys. May dinner kami bukas,"

"Oh," Tyline said, slightly sounding disappointed.

"Sorry. You know how important a family dinner is to me, right?" I said as I bit my lip, feeling a bit guilty.

Tumawa si Tyline, "Baliw, ayos lang! Marami pa namang next time," sabi niya.

"Thanks, Ty. Love you," sabi ko.

"No prob, Pattypie! Love you too," Tyline said with a smooching sound then I ended the call.

I lied on my bed and closed my eyes for a while. Sobrang tagal ko na atang nakatutok sa laptop at pati na sa libro kaya masakit na.

"Patricia?" someone asked while knocking.

Napabangon ako at kinusot ang mata, "Po?" sabi ko.

It was Manang Meredith, "Kakain na anak," malambing niyang sabi pagkabukas ng pinto.

Si Manang Meredith ay isa sa pinakamatagal naming kasama sa bahay. Mula nung baby pa lang ako nandito na sya sa bahay.

Bumangon ako at inayos ang damit.

"Opo. Susunod ako," sabi ko. Ngumiti siya at tumango lang saka umalis.

Pagbaba ko sa dining, nagulat ako nang makita doon si Mommy. Minsan lang rin kasi na may kasabay akong kumain. Like I said, they were busy.

"Mom," sabi ko sabay halik sa pisngi nya.

"Patricia dear," sagot naman niya habang hinahaplos ang pisngi ko, "How are you, anak?"

Umupo ako at nagsimulang kumuha ng pagkain bago sumagot.

"Okay lang naman po. Medyo busy sa school," I said.

Tumango-tango si Mommy habang sinasalinan ng tubig ang baso ko.

"Si Papa po?" tanong ko kahit alam kong gagabihin ulit siya dahil sa trabaho.

"He's in a meeting, anak. Gagabihin," Mom replied. Hinayaan ko na lang iyon. Bukas naman, kumpleto na kami.

Nang matapos kumain, nagpaalam na ako kay Mommy at saka bumalik sa kwarto para ipagpatuloy ang pag-aaral.

Kinabukasan, walang klase kaya naman medyo tanghali akong nagising. I did my usual routine every weekends. Kumain ako ng lunch at pagkatapos ay tumambay sa living room para magbasa. Nang mapagod, napagdiskitahan ko ang phone.

I scrolled through my social media feed. I decided to send the girls a message.

Patricia Vicencio: what's up mga beh

Yvanna Martin: cringe, pat hahaha

Tyline Navarro: hoy @Yvanna Martin, mamaya ah 6pm

Lost HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon