preface.

46 4 0
                                    

In this life, there are three things:
1. You are not always going to get the closure or explanation you think you deserve.
2. Sometimes you have to accept something for what it is and move on.
3. Everything really does happen for a reason”

I sighed as I closed the book I was reading. Gano'n na lang ba talaga yun? Hayaan na lang yung mga bagay as it is without closure? Sumandal ako sa inuupuan at saka uminom sa kapeng kanina pang nasa harap ko.

I guess... that's just how the world goes? Hindi talaga lahat ng gusto natin, pwedeng masunod.

Napatingin ako sa phone kong nakapatong sa lamesa nang tumunog ito.

“Hello?”

“Girl! Nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay dito!”

Tumawa ako. Itong babaeng 'to talaga, bihirang sumigaw pero sobrang lakas. Hindi bagay. “I went to a coffee shop nearby. May tinapos lang. Papunta na rin ako d'yan,” sabi ko para tumigil na sya.

“Ikaw na lang yung susukatan, ang tagal mo!”

“Calm down! Ito na nga eh,” sabi ko habang iniipit ang phone sa tenga para makapagligpit ng mga gamit.

“Ingat, P!” habol ni Van bago ibinaba ang tawag.

Gano'n siguro talaga kapag ikakasal na, laging nakasigaw. I laughed at my own thought. Kinuha ko ang bag ko pati ang kape at saka naglakad.

Nang makapasok sa sasakyan, I navigated my phone and put the atelier's address. Hindi kasi ako masyadong pamilyar sa direksyon. Mas mabuti nang sigurado.

I started the engine but immediately stopped as I saw a familiar figure from outside the coffee shop. Shit. It's been what? Five years already. Pero bakit ganito pa rin ako mag-react?

Natulala ako habang sinusundan siya ng tingin. He's still the same. Maybe a bit taller now? And probably matured. Pumasok siya sa coffee shop habang may kausap sa phone. I got out of my reverie when my phone rang again. It was Van.

“Ano? Naligaw ka na?” salubong niya.

I paused and took a deep breath, “No. Just... Papunta na ako d'yan,”sabi ko saka ibinaba ang tawag.

I looked at him again and then closed my eyes. Hindi na dapat.

Maybe the closure I've been wanting for years is a far-fetched fantasy I probably won't ever get.

I started my car again and drove away.

Lost HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon