"Nasagutan mo ba yung sa Stats, P?" bungad agad sa akin ni Yvanna nang maupo ako sa tabi niya.
Pinatong ko ang bag ko sa lamesa at saka siya hinarap, "Wala akong maintindihan sa lesson," malungkot kong sabi.
Tumawa naman siya, "Same! Hindi ko inakalang may mathematics sa course natin!"
"Oo nga eh. Kaya nga ito pinili kong course kasi akala ko walang math and such pero we're wrong," sagot ko habang nilalabas ang binder ko para intindihin yung activity na sinasabi ni Yvanna.
"Chill pa tayo nung first year eh. Sinampal tayo ngayon ng Psychological Statistics," pabirong sabi pa niya.
"Si Tyline kaya may sagot?" tanong ko.
"Asa ka pa sa babaeng 'yun. Kita mo nga, late na naman sya," sagot ni Yvanna habang tinitignan ang phone nya. Kausap siguro si Tyline.
Sinubukan ko na lang ulit intindihin yung activity namin. Bakit kasi kailangan pa 'tong mga 'to? Gagamitin ba namin 'to sa pag-diagnose ng pasyente?
"Oh, may sagot ka naman pala e!" turo ni Yvanna sa papel ko.
"Gaga, hula lang 'to!" tumatawang sabi ko.
"Mga beh! Pakopya!" hinihingal na sabi ni Tyline. Kakapasok lang niya, buti wala pa yung Prof.
Nagbiruan at nagkwentuhan kaming tatlo hanggang sa magsimula na yung klase.
"Sama ba kayo sa Saturday?" tanong ni Tyline habang naglalakad kami sa hallway. Vacant namin kaya naisipan naming kumain muna.
"Saan?" sagot ni Van.
"Party. Sila Brylle ang host. Ano, G?" tanong pa ulit ni Tyline.
"Alam mo puro party nasa isip mo! Kaya lagi kang late eh. Anong oras ba yang party na yan para matignan ko yung schedule ko?" sabi ni Yvanna. Napailing naman ako. Akala ko hindi papayag eh.
Pinag-uusapan pa rin nila Tyline yung details ng sinasabi niyang party hanggang sa makarating kami sa mezzanine floor. Dito kadalasang kumakain yung mga estudyante, lalo na yung mga galing sa department namin dahil malapit lang.
"Party ba 'yun? More like a gig to me. Si Brylle pala host eh, 'di ba may band sya?" tanong ni Yvanna habang nagtitingin sa mga pagkain.
"Oo ata? Parang ganon. Punta tayo ha," sagot ni Tyline.
Nang makapili kami, nag-settle kami sa isang table malapit sa exit ng mezzanine floor.
I was about to bite on my burger when I felt someone standing beside me. Naiwang nakabukas ang bibig ko nang tinapunan ko ng tingin ang kung sino mang nakatayo sa tabi ko.
"Hi, miss. I'm Mikhail Esquierdo. Nice to meet you," the guy suddenly said. I was stunned.
He was tall with a fair complexion. Medyo singkit ang mata at tamang tangos ang ilong. Thin lips and fair eyebrows. He was wearing a uniform from the College of Engineering.
Tinignan ko ang mga kasama niya sa di kalayuan na nagtatawanan habang nakatingin sa kanya. Paano napadpad ang mga taga CoE dito? I mean, hindi naman sa bawal sila dito sa mezzanine floor pero medyo malayo ang building ng college nila dito.
"And then?" sagot ko at saka tinuloy ang pag kain.
"Sungit," narinig kong bulong ni Yvanna kaya sinamaan ko sya ng tingin. Umayos naman siya ng upo.
"Ay, sorry sa friend ko. Her name's Patricia by the way," sabi ni Tyline na ikinagulat ko.
"What the fuck, Ty?!" I said. Tinignan ko yung lalaki sa gilid ko. Ngumiti lang siya at saka naglakad na pabalik sa mga kasama niya.