seven.

7 1 0
                                    

"You're birthday's near, hija. Do you have any plans?" my Mom asked when we are having our breakfast. This is one of those days na nasa bahay lang si Mommy.

"Wala naman po, Mom. A dinner with you and Papa would be nice po," sabi ko then I smiled.

Hinawakan niya ang kamay ko.

"I'll make sure your Papa will be home," she said as she smiled back at me.

My birthday's on November 4th. May pasok sa araw na 'yon kaya hindi ko alam kung kailangan pa ba ng party. Basta, all I want is a dinner with my family.

Nang matapos kumain, tumambay ako sa terrace dala ang phone at laptop ko.

I was looking for some books online when my phone buzzed. It was Mikhail.
He sent me a photo of the sky.

Patricia Vicencio: Uy omg! Can I save it?

Mikhail Esquierdo: Kaya ko nga sinend sayo eh, para isave mo!

Patricia Vicencio: Thank you po!!

Mikhail Esquierdo: Nakita ko kasi mga shared post mo. Figured you might like the photo. Ikaw naisip ko nung kinuhanan ko yan eh

I blinked after reading his reply.

"Don't overthink his words, Pat," sabi ko sa sarili ko. I saved the photo and locked my phone. I know it's rude but I just don't know what to reply. So I left our conversation like that.

"Nagawa niyo na ba yung reviewer niyo para sa integration?" tanong samin ni Yvanna.

Nasa mezzanine floor kami ngayon at kumakain ng meryenda.

"Ako wala pang nasisimulan," sagot ni Tyline habang inaayos ang tray sa gilid.

Bumaling sa akin si Yvanna.

"Hindi pa ako tapos," sabi ko saka uminom sa soda in can.

Tumango si Yvanna, "Ako kakasimula ko lang kahapon. Ang hirap i-summarize nung ibang features," sabi niya saka kumain ng chips.


"Nga pala, malapit na birthday mo ah?" Tyline said.

Hinagisan ko siya ng tissue sa mukha dahil may sauce siya sa may labi. She glared at me pero pinunasan rin naman. Daig pa bata kung kumain!

"What's your plan?" si Yvanna.

I shrugged, "I don't know yet. May pasok tayo n'on eh."

"Libre mo na lang kami," Ty said, laughing.

I rolled my eyes but still agreed. Pagkatapos naming kumain, bumalik na kami sa lecture hall.

Nagpunta ako sa library pagkatapos ng klase namin nila Tyline. Sila naman, may klase pa na hindi ko na-take dahil sa Philosophy.

My phone buzzed on the table.

Mikhail: saan ka

Patricia: Sa lib, bakit?

Mikhail: wala naman

Nagtaka ako sa reply niya. Anong trip nitong lalaking 'to?

Patricia: Bakit nga? Ikaw where are you

Mikhail: lab kami ngayon, 3 hours

Lost HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon