CHAPTER 3

49 33 6
                                    

NASA labas ako ng office ni papa para magpaalam na papasok na ko. Medyo kinakabahan pa ko. Si papa naman kase masyadong strikto pag dating lalo sakin.

Tok!tok!

Kumatok ako at pumasok. Nakita ko si papa na busy sa pagbabasa.

"Pa papasok na po ako." ani ko. Hindi sya sumagot kaya akmang aalis na ko pero magsalita sya.

"San ka ba kasi nagpunta kahapon?" tanong nito. Hindi na sya mukang galit. Mahinahon na din pagsasalita nito.

"Pa kasama ko po kasi ang kaibigan ko, tas sinama nya ko sa playground para daw mag enjoy ako kase muka daw akong laging nasa bahay lang." paliwanag ko.

"You know why we doing this to you. This is for your safety." ani nya.

"I know pa. I understand. Sa susunod di ko na po uulitin." ani ko at lumabas na ng bahay.

Hindi ko alam bakit masasaktan pa din ako. Masaya naman ako pag kasama ko ang mga pinsan at kaibigan ko. Pero di ko pa din mapigilan, makaramdam ng lungkot. Lalo na tuwing maaalala ko ang nangyari sakin.

Pinilig ko ang ulo ko para hindi maalala yun. Di ko namalayan umiiyak pala ako.

Ganun ba yun? Di mo na mamalayan yung pag luha mo dahil sobrang sakit na nararamdaman mo.

Pinunasan ko ang luha ko, malapit na ko sa school.

"What happened?" ani ng nasa harap ko.

"W-wala." ani ko at dinaanan si Rylk.

Napatigil ako sa paglalakad ng hawakan nya ang braso ko. Bigla nalang ako niyakap.

"A-ano ba problema mo? Bat mo ko niyayakap?" ani ko habang pinipilit alisin ang pagkakayakap nya pero sobrang lakas nya.

"I know your not okay, I see your eyes been crying. Let me confort you." ani nya.

Hindi ko alam, pero bigla gumaan ang loob ko dahil sa mga sinabi nya. Why you doing this to me Rylk? Are you for real?

Nakaramdam na naman ako ng pagod at gusto ko nalang ulit ipikit ang mata ko.

My narcolepsy!

....................

"Wala kang kwenta!" sigaw ng ina ni Anesthesia.

"Mama tama na po!" umiiyak na pakiusap ng batang si Anesthesia.

"Tama na? Bakit hindi mo yan itanong sa PAPA MO! May ibang babae sya! Niloko nya tayo!" ani ng mama nya habang hinahambalos si Sia.

"Mama m-masakit po."

"Bakit kase kamuka mo yang tatay mo! Sa tuwing nakikita kita naalala ko ang pang gagago nya sakin!" ani ng ina at hinabalos ulit ito ng dospordos.

"Mas pinili ng kuya mo yang papa mo, tapos ikaw ayaw mo sumama sakin, kailangan itakas pa kita!"

"Ahhhh! Mama t-tama n-na."

NAPABALIKWAS ako ng bangon dahil sa panaginipan ko. Habol ang hininga at naninikip ang dibdib.

At nag umpisan na nga ang mga luha saking mata.

"Laging nalang ganto, nakakasawa na."

Tinignan ko ang buong paligid.

Nasan ako?.

Plain lang ang kulay ng kwarto. Hindi naman mukang hospital dahil wala naman mga makina na panghospital.

Bigla ko naalala bago ako makatulog. Si Rylk ang kasama ko.

Falling AsleepWhere stories live. Discover now